Hinintay muna namin ni Eia na makalabas 'yong mga kaklase namin. Kanina pa siya nangungulit na sabihin sa kanya ang nangyari. When the room was only having me and Eia, I began telling her everything. Mula sa daga sa locker, sa spoiled na pasta, hanggang sa madulas ako.
"Ano'ng sinulat mo do'n sa papel na kinuha ni Kevin?"she asked after my narration. What the hell. Hindi na ba niya ako ipagtatanggol?
"I summarized what happened."
"Shit. But it's okay. Kailangan naman nilang magbayad."aniya pang nakangisi.
"Hoy! Anong pinagsasabi mo?"
"Gosh. Dean's lister pero mahina ang utak. Cailee, sa tingin mo lalabas ng klase si Kevin Alex Chen ng walang dahilan?"she asked meaningfully. "I doubt it."
"Tss. Hindi niya gagawin 'yon."
"Ginawa na niya dati. Anong pipigil sa kanga ngayon?"
"What? Nababaliw ka na Eia. Kung ano-ano nalang ang pinagsasabi mo."
"Nakalimutan mo na kung ano ang nangyari sa groupmates mo? By the way, si Chasie din 'yong nag-upload ng swhweeeet photos niyo ni Kevin. Dahil umiyak ka do'n, ayun tinakot niya. Ni-lock niya sa stockroom."mahabang kwento niya.
Natahimik ako. Kung hindi pa niya ako hinila, tatayo parin akong parang tuod sa loob ng malawak na silid.
"Oh. May lakad pala kami ni Reyden ngayon. Cailee, mauna na ako sa'yo."paalam niya at patakbong umalis.
What? Waaaaw! My bestfriend left me for a guy. Nice. Just nice. But then, I was wrong about Eia. I saw Kevin standing in front of the other door. Of course! Eia only acted that way when she wanted me to be with someone else! I should have known.
"I didn't know about the spoiled pasta. I could have done something worse to them."salubong niya sa'kin.
"What did you do, Kevin?"nanlalaki ang matang tanong ko sa pag-aalalang baka ay may sinaktan na naman siya. Hindi niya naman siguro sinaktan ang may gawa sa'kin nito di ba?
"Okay ka lang ba Cailee? Nasaktan ka ba? May masakit ba sa'yo?"He asked instead. He sounded serious so I just answered him politely with a shrug. "Sigurado ka? You told Sofia na nadulas ka."
"I'm really okay."
"Good. Dahil kung may nangyari sa'yo, araw-araw kong pagdudusahin ang mga maygawa niyan."
"Wag ka ngang ganyan. Ano'ng ginawa mo sa kanila?"I asked again.
"Shh. Forget about it."
Umakma siyang umakbay sa'kin pero agad akong lumayo. Nagkunot pa siya ng noo. I don't want him to get mad so I explained.
"Ang baho ng buhok ko."sabi ko nang nakasimangot.
"Tsk. Park, kahit ano pang amoy mo, wala akong pakialam"sagot niya sabay hila ng kamay ko.
"O? Sa'n naman tayo pupunta? May klase pa ako mamaya."
"I already talked to your professor. He knew what happened about you, about the pranks."
"So?"
Ngumiti siya na halos papikit na ang mga mata. Napairap ako. Kaasar, charming din talaga 'tong timang. Ugh.
"Iuuwi kita."
I remembered how we joked about that subject last time. Kaya naman pala ang pilyo ng ngiti niya. Naku! Gayunpaman, sumama parin ako sa kanya. Guess where we went to!?
Yep. We went back to the cabin in the woods. He unlocked the door using the password combination.
"Welcome back, Park."nakangising sambit niya nang mabuksan ang pinto.