XVIII- Badboy, His Restrictions

763 27 5
                                    

Imbis na mataranta, tinawanan lang namin ni Kevin nang malamang alas-otso na pala ng gabi. Niyaya niya akong kumain muna bago umuwi. We argued on which restaurant to pick so we ended up going to a fastfood chain. Natraffic kasi kami tapos may nakita kaming Drive-Thru ni Bubuyog. Kevin seemed not enjoying his meal while I happily dug in my fried chicken so I can have my fries and sundae.

"Ang lakas mong kumain ngayon."natatawang puna niya.

"Di nga?"

"Oo. Nagpapacute ka lang ba sa'kin no'n Cailee?"tanong niyang nagpasama ng mukha ko. Ang hambog ng kumag. Confidence level:Syntax Error. Woooo!

"Oo. Para mapansin mo 'ko."nakangising sabi ko para sakyan ang kahambugan niya. Ayun. Natahimik si kooooya. 😂

"Di na naman kailangan."pabulong na sambit niya matapos ang ilang segundo.

"Kumain ka na nga lang diyan!"asik ko sa kanya para matigil kami sa pag-uusap tungkol sa mga weirdong bagay na tulad nito. Gosh! Ang init-init ng pisngi ko e ang lamig naman ng aircon dito sa Jollibee.

"Cai."Tawag niya na nakangisi.

"What?"

"Kita mo 'yong sauce ng fries mo?"

"Yeah. Why?"

"Ganyan ang kulay ng pisngi mo."tugon niya saka lumamon ng pagkain. Napaubo naman ako do'n. "Here. Tubig para sa kinikilig kay Kevin Chen."

Ang yabang nito! Sobrang yabang! Ininom ko parin 'yong tubig na inabot niya. Tumatawa parin ang tipaklong kahit na nakaalis na kami sa Jollibee at nakabalik na sa kotse.

"Hala. Grabe 'yong traffic."reklamo ko nang hindi parin kami nakausad sa hinintuan namin.

"Kanta ka muna para di ako mabored."utos niyang nagpairap sa'kin.

"I don't sing."

"Sayaw ka nalang."

"Praning ka. Laro nalang tayo."

"Anong laro?"

I told him about the game: NAIINIS AKO SA'YO KAPAG... game. I explained the mechanic while he kept making faces which annoyed me.

"Naiinis ako sa'yo kapag ganyan ka."I shrieked, really annoyed. "Wag ka ngang ganyan."

He guffawed. "Pikon si babydoll."pang-aasar pa niya. "Simula na ba 'yan? O napipikon ka talaga."

"Ewan ko sa'yo. Nakakainis ka."

"Ito naman. Binibiro ka lang e. Sige na." Nginitian niya ako pero pinigilan ko ang sarili kong madala sa ngiting 'yon. "Laruin natin 'yang corny na game mo."

"It's not corny!"

"Oo sige na. Hindi na."He said to calm me down. "My turn. Naiinis ako sa'yo kapag... nakikipag-usap ka sa lalaki."

"What?"

"Your turn, Cai. No asking questions."

"Fine. Naiinis ako sa'yo kapag ganyan ka, ang hirap intindihin."

"Naiinis ako sa'yo kapag... kasama mo si Kuya."

Bumilis 'yong tibok ng puso ko sa mga sinasabi niya. Ano'ng trip ng Kevin na 'to?

"O? Ayaw mo na agad? Olats ka na."pukaw niya sa'kin.

"Nope. Naiinis ako sa'yo kapag..." Ano ba'ng kinaiinisan ko sa kanya? Lahat naman e.

"Wala na. Wala ka ng maisip kasi ang totoo, kinikilig ka sa'kin."

"Eww. Move on, Kev. Hindi ako kinilig sa'yo!"I retorted defensively while he only laughed.

Bad Love °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon