Pagkatapos agad kumain, nagyaya ako kay Kevin na ihatid na ako pauwi ng bahay. He didn't argue or say a thing. He just drove me home. I was thankful na hindi niya ako kinakausap kahit na nagkatuwaan kami kanina sa restaurant, I know we're still not in good terms. Bipolar mode on na naman kasi siya. Wala na namang kangiti-ngiti at blanko na naman ang ekspresyon ng mukha. So he didn't want to talk and it's definitely favorable on my end.
Oh. That's where I'm wrong. Ayaw lang niya palang makipag-usap habang nagmamaneho. Pero nang huminto na kami sa tapat ng bahay, hindi niya ako hinayaang makalabas ng kotse niya nang hindi pa nag-uusap.
"Cailee. Why were you with Kent?"He asked in a calm voice.
Tss. Fine. Sasabihin ko nalang sa kanya ang nangyari kahit na hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanya.
"Hindi ka ba kumain bago pumasok sa mga klase mo?"tanong niya. He looked annoyed now.
Hindi ako sumagot.
"Pabaya ka din talaga e."aniya pa. "Wag mo ng uulitin 'yon. Malalagot ka sa'kin."
"Oo na. Buksan mo na ang pinto."utos ko na hindi nakatingin sa kanya. He didn't do as I requested kaya nilingon ko siya.
"You aren't leaving."He declared, causing my eyebrow to raise. "Like this."he added. "I'm sorry, Cailee. I didn't mean to shout at you earlier."
Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Kevin Alex Chen is so much for an asshole to humble down and say sorry. Napatitig ako sa mga mata niya. He's really serious; he meant what he said.
"You keep shouting at me, Kevin. Normal na 'yon."pabirong sagot ko.
"No. I'm really sorry."He iterated which eventually made me smile.
"You are still a jerk and I hate you."I said, of course, not meaning it at all. Tss. Isang sorry lang niya, okay na agad ako e. Minsan nga, kahit ngiti niya lang e.
Ngumiti siya saka binuksan ang pinto ng kotse.
"Goodnight, Cai."
Ngiti lang ang tugon ko sa kanya bago tuluyang umibis sa kotse. Sinita ko ang sarili ko nang mapagtantong nakangiti parin ako kahit ng nasa loob na ako ng kwarto. Matutulog na dapat ako pero dahil hindi pa nakauwi si mom, tinawagan ko na muna siya. She'll have an emergency-shift so hindi siya makakauwi.
"Behave, sweetheart. Give yourself a curfew."pagbibiro niya.
"Mom, nakauwi na nga ako."
"Naninigurado lang. Malay ko, tama din ako."
"Tsk. Whatever mommy."
"Goodnight Cai. I hope to be home early tomorrow so I can cook your breakfast."
"I hope so too. Goodnight mom. I love you."
"I love you baby."
Kakalapag ko lang ng phone sa mesa nang magvibrate 'to. Someone's texting me.
Badboy 🙄
Park.
Hey! Are you asleep?
Don't be snob.
Ano'ng trip nitong timang? He's spamming me with messages, one after another. Tss. Hindi ko siya nireplyan kahit gustong-gusto ko sana. I slept wearing a smile on my lips. Dahil maaga akong natulog, maaga rin akong nagising kinabukasan. Mom was home at four in the morning so yes, she's still asleep. Haha. And yep, no breakfast. Nagluto naman ang kusinera ng bahay pero mas gusto kong kasabay sina Eia at Aria.