Special Chapter: Healing Scars

781 29 0
                                    

Natatakot man sa mga posibleng mangyari, sumunod ako sa pinaniniwalaan ni Cailee na tama. Kasama si Ivory, Jr, at Cailee, nakipagkita kami kay Arianne at Dray.

Napatayo si Dray nang makita ang kapatid niya. Walang galit. Walang galit na nakarehistro sa mga mata niya kahit nang tingnan niya ako.

"Kuya."Ivory's voice trailed off as she hugged her brother. "Kuya, I'm sorry."

"Ivee. Pinag-alala mo 'ko. Halos mabaliw na ako sa kahahanap sa'yo."

"Sorry kuya. Don't worry. Okay naman ako e. Okay ako, hindi ako pinabayaan ni Kevin. Tingnan mo si JR, ang lusog niya o."Nakangiting wika niya nang makitang papalapit ang anak niya.

"Mommy. Cry. Don't cry."Jr uttered, at the brink of crying too after seeing his mother in tears.

Tsk. Nagulat pa akong may humahagulhol, katabi ko nga pala ang iyakin kong mahal. Niyakap ko siya. Cailee hugged me back.

"Ang cute ni baby Jr."She mumbled.

"Hmm."I agreed. Ang batang 'yan ang dahilan kung bakit nagpatuloy ako kahit ayaw ko na sana. "Gumawa narin kaya tayo ng JR natin?"

"Gago."Anas niya sabay kurot ng tagiliran ko.

"Kuya, kaya ako nagtago kasi..."Hindi na natapos ni Ivory ang paliwanag niya. Niyakap lang siya ni André.

"Ivee. Magagalit ako pero hindi naman kita sasaktan. Hindi mo dapat itinago."Tumulungko si André para harapin ang pamangkin niya. "Look at you, Champ. You look like tito daddy."

"No. He looks exactly like me."

Napatingin silang lahat sa nagsasalita. Oo, inimbita ko narin si kuya through a direct message. Sinendan ko narin siya ng picture ni JR para hindi siya makatanggi. Tawag nga siya ng tawag buong gabi. Hindi naman kasi ako nagpakilala. I just told him to meet us in this address. He came. Late nga lang.

"Seriously, Ivory?"Naluluhang sita ni Kent, nangingilid ang luha sa mga mata niya. "Hinanap kita. Pumunta ako ng Italya pero pinagtaguan mo 'ko!"

"Kent. Kalma lang."Naiiritang saway ni Dray. Napangisi pa tuloy ako. Ganyan siya ka-protective kay Ivee. Kaming dalawa actually. Pinagdudusa namin ang sinumang nagtataas ng boses sa kanya.

"Kalma? Kalma, André? Ipinagkait sa'kin ng kapatid mo ang anak ko!" Humarap ulit siya kay Ivee. "Ang tagal kitang hinanap. Ipinagkait mo sa'kin ang pagkakataong mahalin ka."

"No. Don't say that."Ivory said, panicking. "Hindi pa naman huli e. Magpakasal tayo. Magiging buong pamilya tayo."She mumbled desperately while my brother smirked like a smug.

"Hey Chen, you marry my sister."Dray ordered. Napangiti si Riri habang nakatingin sa'min ni Cailee. Ngumiti narin ako.

"I'm going to marry your girlfriend's sister, idiot!"I interjected.

"Shut up, Kevin. Magtutoos pa tayo mamaya."Aniyang nakangisi sa'kin. "Pakasalan mo ang kapatid ko Kent."Pananakot niya ulit kay kuya.

"Wag mo 'kong gawing tanga, Monteverde. Alam ko ang gagawin ko." Nakataas ang kilay ni Dray pero hindi siya nakaimik. Galit talaga si Kuya dahil pati si André, natakot niya. Kinarga niya si JR na hindi naman tumutol. Yumakap pa nga e. Iyan nga siguro ang sinasabi nilang lukso ng dugo. "Come home with me, Ivory."

"Hoy, Chen. Pakasalan mo muna ang kapatid ko bago mo siya iuwi."Pigil ni Dray sabay hawak sa braso ng kapatid niya.

"Dee,stop."Awat ni Arianne rito. Wew. Dee as daddy. Haha. Ang korni!

"Riri, he just can't..."

"Kuya, alam mo namang mahal na mahal ko si KJ dati pa."

"My parents have to meet her before we get married, Monteverde."Dagdag pa ni Kent matapos hawakan ang kamay ni Ivory. "Now let her go so I can marry her." I know what that means. Kuya is arranged to marry Chasie Rivas. But now that Ivee and JR are with hom, it can't happen.

Bad Love °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon