XXIV- Badboy and His Flirtations

887 24 0
                                    

Next week na ang finals kaya marami akong tinanggihang dates. Pangatlong beses na akong niyaya ni Kevin ngayong araw na lumabas pero hindi talaga pwede. Magkakandakuba na kaya ako sa dami-dami ng reports at research papers na tatapusin ko. Ang dami-daming requirements. Siya? Naku, kailan ba naging busy 'yon?

"Mom! Mamaya na nga ako kakain. Ang kulit mo."Reklamo ko nang kumatok siya ulit.

Bahala ka diyan. Pumasok ka kung gusto mo, hindi rin naman kita mapapansin. Narinig kong pumihit 'yong pinto pero masyado na akong abala para lumingon pa. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Nagulat akong hindi nagsalita si mommy pero nagkibit-balikat parin ako.

"Yes. Last one. One more narrative report and I'll see Kevin."Sambit ko sabay pakawala ng ngiti. Nagstretch muna ako ng kamay habang naghikab. "What the—"Tili ko nang may sumundot ng kili-kili ko. Nakadamit kasi akong spaghetti ang strap. Lumingon ako at binati ng nakangising mukha ni Kevin. "Don't do that again!"

"I miss you."He said instead and kissed me without a warning. Damn. Buong araw lang akong nakaharap sa laptop ko. Sana pala kanina pa siya pumunta. Nakakatanggal ng pagod. "I love you."He whispered between his kisses. 

Disappointingly, he stopped. What a flirt creature you are Cailee. Malandi! Maharot! Haha! Napasinghap din ako agad nang itaas niya ang kamay ko't hinalikan ang kili-kili ko.

"Kevin!"Itinulak ko siya ng malakas.

Dahil sa nakakairitang tawa niya, tumayo na ako sa kinauupuan ko at hinabol siya para hampasin. Paikot-ikot kami sa loob ng kwarto ko hanggang sa hingalin ako.

"Nandito ka ba para asarin ako ha? Nakakaasar ka Kevin."

I pretended hurt. Sumimangot narin ako para madala siya. It worked anyway. He withdrew, walking towards me with hands in the air. Lumapit ako agad sa kanya para kurotin siya sa tagiliran. Tumawa lang ang loko.

Nang magtama ang mga tingin namin, napapulupot na ang mga kamay ko sa batok niya.

"Ang ganda mo, Cai."

"Oh. Kasi kasama kita?"

"What?"He asked cluelessly.

"You used to tell me that before. Sinasabi mong gaganda lang ako kapag kasama ka. Tss."

"Ow. That must me being stupid. Ang tagal na kaya kitang gusto. Siguro mula nang makita kita sa library isang araw."Naging interesado ako sa kwento kaya pinakinggan ko siya. "Nagmamadali kang tumakbo no'n para kunin 'yong aklat na lagi mong binabasa."

"So? Stalker kita dati?"

"Hindi stalker. Secret admirer lang."

"Tsk. Secret admirer. E ba't ang sungit mo sa'kin no'n?"Tanong kong hindi naniniwala sa inamin niya.

"Gano'n na talaga kasi ako. Wala ngang masaya sa buhay ko di ba? Kaya lahat na, inaaway ko. Wala ka pa no'n. Pinapangarap pa lang kita sa malayo."

"Totoo?"Tanong ko na nakangiti.

"Oo. Gusto mong i-describe ko ang suot mo no'ng una kitang napansin?"

"Ano?"

"Peach na sporty-dress. You were like a K-Pop star with your look. Basta may event sa school no'n. Kaya hindi na kita nakalimutan kasi ang cute mo." Cute naman talaga ako. HAHA! "Baligtad 'yong pagsuot mo sa isang medyas mo."pagpapatuloy niya saka tumawa ng bahagya.

Damn. First year pa ako no'n ah! Naaalala ko 'yon. Sa Humanities naming klase 'yon e. Magpeperform kami ng dance presentation na Korean-themed. Ang professor naming 'yon 'yong crush na crush ko. At nakakahiya dahil siya pa mismo ang sumita sa'king baliktad ang medyas ko. Shocks. Nakakahiya talaga 'yon.

Bad Love °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon