XXV- Badboy, the Beast

730 24 0
                                    

Hating-gabi na umuwi si Kevin kagabi  kaya hindi na dapat ako nagtataka kung bakit hindi parin siya dumadating. Gusto niyang sunduin ako papunta sa university pero fifteen minutes nalang, magsisimula na ang first exam ko. Ugh. Papara na sana ako ng taxi ngunit may kotseng huminto sa mismong tapat ko.

"Babydoll, sorry—"

Ugh. Late na ako. Sinalubong niya ako, umakma pa siyang hahalikan ako pero umiwas ako't dumiretso sa kotse niya.

"Cailee naman. Sorry, ang tagal kong nagising. I promise, hindi ka male-late."

"Can we just go?"Patuloy na pagsusungit ko.

His jaw clenched, a sign that he's pissed off but he's trying to conceal it. Ugh. Siya pa ang may ganang umasta ng ganyan. Tsk.

"Kumain ka na ba?"He asked afterwards, trying to pacify the tension between us.

"Sa sobrang tagal mo, nakapag-lunch na din ako."Sarkastikong naisagot ko.

"Cailee naman. Seryoso akong nagtatanong sa'yo e."

"Eh kasi naman, Kevin Chen. Pwede kang tumawag o magtext na male-late  ka o kaya hindi ka na makakarating—"

"Cailee Park, nakikinig ka ba? Late nga akong nagising e. I even took the shower for less than five minutes. Hindi ko naman sinadyang gawin 'to e."

"Now it's my fault? Is that what you are trying to—"

"Cailee, 'wag na tayong mag-away. Sorry na. Sorry, kasalanan ko. Hindi ako tumawag. Sorry, ang tagal kong gumising."

Ano ba kasi ang meron sa araw na 'to Cailee at badtrip na badtrip ka! Ugh. Napakaliit na bagay lang e pinapalaki mo pa.

Pride. Sana sabon lang talaga siya. Kasi takteng pride na 'to, hindi ko magawang amining nag-overreact ako. Pumasok ako ng klase na hindi siya kinausap. Edi na-karma din ako, hindi ko masagot ng maayos ang exam ko. Takte, Kevin. Tantanan mo 'ko. Umalis ka sa utak ko. Alisssss.

"Park? Are you done?"Tanong ni Prof. Eliseo. Napansin niya yatang balisang-balisa ako. "You can pass your paper if you're done."

Fine. Isa-submit ko nalang 'to. Hindi narin naman ako makasagot ng maayos. But no. This will affect my grade.

"Prof, can I use the CR?"

"Get back in five minutes. Bring your paper to the table."

Oh my gosh. Kaya ba? Kaya ba nagta-tantrums ako na parang timang kanina? Gosh! Meron ako ngayon buti nalang talaga napaisip akong mag-CR.

"What the."Utal ko nang makitang wala ng napkin sa vending machine. I have few in my locker pero ang layo pa no'n. Baka magkatagos pa ako.

Sinong tatawagan ko? Ah. Si Sofia at Arie!

"Sumagot kayo. Please."

Nagsimula ng mangilid sa mga mata ko ang luha dahil nakailang dial na ako sa numbers  nila pero walang sumasagot. Ugh. Fine.

"Baby? Hindi ka na galit sa'kin?"Bungad niya kaagad. Sa tono ng salita niya, nakangiti siya.

"Kevin, save me."

"Where are you? What happened?"He panicked.

"Nasa CR sa second floor ng building. Can you—Can you please... Kevin? Meron..."

"Cailee? Ano? Ano'ng nangyayari? Pinag-aalala mo 'ko e. Pupunta na ako diyan pero sabihin mo sa'kin kung ano ang nangyayari."

"Meron ako ngayon. Pwede mo ba akong ibili ng—"

Bad Love °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon