Hindi ko alam kung bakit wala akong ganang pumasok ng klase. Hindi naman ako napuyat kagabi pero inaantok ako lagi. Hindi napuyat? Woah. Hindi ka naman nakatulog. Hindi nga maayos ang tulog ko. Paputol-putol. Nakakabadtrip kasi ang Kevin na 'yon! Siya na nga 'tong inaalala ko, siya pa ang may ganang sabihan ako ng gano'n. Tss. Napakabuwiset niyang tao talaga. Alam ko naman 'yon sa simula pero bakit ko pa sinubukan? Ba't ba concern ako sa kanya? Ba't hindi ko nalang siya hayaang sirain ng tuluyan ang buhay niya? Buhay niya naman 'yan. Bahala siya.
"Cailee. Look who's coming?"tawag ni Eia ng atensiyon ko. Instead of checking, sa kanya lang ako tumitig.
"Cailee."
Saka lang ako lumingon nang marinig ko ang boses ni Kent.
"Ke—Kent."
"Pwede ba kitang makausap?"tanong niya saka tumingin sa mga kaibigan ko. "'Yong tayo lang sana."
"O—okay." Nag-aalinlangang sagot ko. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at sumunod kay Kent.
"Have you talked to him?"He asked straightforwardly.
"No."I lied. "Kung makita o makausap ko man siya, you'll be the first to know."
"Thanks Cailee. Kahit na gano'n 'yong si Kevin, hindi niya maaalis sa'kin na mag-alala sa kanya. Afterall, he's still my brother."
"Naiintindihan ko."I told him with a smile. "Kaya 'wag kang mag-alala, hindi ako titigil hangga't 'di ko nakikita si Kevin Alex Chen na pumasok ulit ng klase."I assured him.
Kent smiled at me and I can only smile back. Dahil sa pag-uusap naming 'yon, walang pagdadalawang isip na bumalik ako ng E-House. Nakita kong nakaupo si Kevin na may hawak na umuusok. Agad akong lumapit at kinuha ang sigarilyo sa kamay niya.
"Cailee! Akin na 'yan!"singhal niya sa'kin.
"Napa-praning ka na ba talaga? Ano 'to? Ito ba 'yong pangarap mo sa buhay? Maging walang-kwenta?"I blared back. "Hindi porke't walang tiwala sa'yo ang magulang mo, hindi mo narin kaya. Why won't you prove them wrong?"
"Leave."nanlilisik ang mga matang utos niya.
"No—"
Itinulak niya ako. Nabitawan ko 'yong sigarilyo at napaso no'n ang kaliwang wrist ko. Tiniis ko 'yong sakit at hindi umaray. Pero 'yong luha ko, hindi nagpapigil.
"Umalis ka na."utos niya na hindi man lang ako tinutulungang tumayo. "Why are you so stupid? Hindi lahat nadadaan sa iyak, Cailee! Hindi mo ba nahahalata? Ayaw ko sa'yo. Ayaw kitang nakikita dahil naririndi ako sa pagmumukha mo. You are so stupid. Umalis ka na!"
Nilakasan ko ang loob ko at tumayo. Hindi na ako lumingon sa kanya. Habang papalayo, lalong nag-uunahan sa pagtulo ang luha ko.
Ang tanga mo Cailee. Ano ba kasing pakialam mo sa taong 'yon? Hayaan mong sirain niya ang buhay niya.
"D'you need a ride?"A guy asked whose car was right in front of me.
"No. Thanks."
Lalakad na sana ako papalayo rito pero may tatlong lalaking humarang sa'kin. Agad na nanlamig ang buong katawan ko. I was so scared.
"Ano'ng kailangan niyo?"I managed to ask.
"Sumama ka nalang sa'min, Park."sabi no'ng lalaking nakasakay sa kotse.
Ba't niya ako kilala?
"Hindi ako sasama sa inyo—Bitiwan niyo ako!"I shrieked when the guys caught my hands and dragged me towards the car.