Aria, Eia and I were walking out of the cafeteria when I eyed Kent from a distance. May kausap siyang babae na kasama niya sa Student Supreme Officers.
"Girls, mauna na kayo. May kakausapin lang ko."paalam ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang sagot nilang dalawa, tumakbo na ako.
Hinintay ko munang umalis 'yong babae bago ko nilapitan at tawagin si Kent.
"Hi."I greeted with an awkward smile.
"Cailee."nakangiting sambit niya.
"Ah. Mag... magtatanong lang sana ako kung..."I paused to calm myself. Ba't ba kasi di ako mapakali? Magtatanong lang naman ako. "Kung umuwi na si Kevin?" Nahihiyang dugtong ko.
Ngumisi si Kent habang nakatitig sa'kin. He doesn't do that most often.
"No. Hindi parin siya umuuwi. Dad wouldn't extend measures to find him too."
Ano? Eh nawawala 'yong tao?
"Pero kailangan natin na siyang hanap—"
"Don't worry too much, Cailee." He said to cut me off. "Dad's right. Uuwi din si Kevin."
Pero kailan? Talaga bang wala silang pakialam sa kanya? Tss. Kaya naman talaga sumasama ang loob no'n. They don't care about him. Paano kung mapahamak 'yon?
Paki mo, Cailee?
Matapos ang klase, tinext ko ang mga kaibigan ko na mauuna na akong umuwi sa kanila. Ang totoo, hindi ako umuwi. May naaalala lang akong nabanggit noon ni Kevin. Sa tingin ko kasi, computer game 'yong tinutukoy niya. I checked each internet shop na nakikita ko. I've been to almost ten of them but I didn't see him. Papara na sana ako ng taxi nang makita ang malaking pangalan ng building from across the street.
Lion's E-House. Ano'ng meron diyan? Tumawid ako at binasa ang tarpaulins na nasa labas nito. May posts tungkol sa paparating na DOTA tournament, in two weeks. DOTA, 'yan 'yong nabanggit niya noon. Isa rin bang computer shop 'to? Ang laki naman. At ang taas pa ng building. Imposible.
"I'm sorry ma'am. For members only."Sabi ng guard na humarang sa'kin nang hawakan ko 'yong door handle.
"Po?"
"Hindi po kayo pwedeng pumasok ma'am. Para lang po sa members."
"Fine. Magpapa-member ako."agad na sagot ko. This is annoying.
"Yon din ang problema ma'am. Wala hong on-duty ngayon sa counter. Kung may hinihintay kayo ma'am. Itext niyo nalang o kaya ay itawag niyo para mapapasok niya po kayo."
"I don't have his number!"naiinis na tugon ko.
"Sorry po. Kailangan niyo pong
maghintay sa kanya rito sa labas."Ilang minuto ang lumipas, umalis sa poste niya ang guard. Sinubukan kong pumasok pero hindi bumubukas 'yong glass door. I realized that it really can be accessed by members. May nakita kasi akong nag-swipe ng card bago bumukas 'yong pinto. Dahil glass din ang buong wall ng groundfloor ng shop, sumilip ako. Kitang-kita ko ang napakagandang set-ups ng computer—mula sa mouse hanggang sa gaming chair. Ganyang set-up 'yong nakikita ko sa E-Sports live on TV. Wow. Namamangha nga akong hindi mahilig sa paglalaro, ano nalang kaya silang mga gamers? Kaya siguro napakarami ring customers.
"Hi."
Nanlamig 'yong batok ko sa pagbating narinig ko. Nilakasan ko ang loob ko't lumingon.
"You want to get in?"The guy asked, smirking.
He looked fine. May hitsura nga siya e. But I can sense something in his voice. Dahil diyan, umiling ako.
"Okay. If you say so."
I watched him swipe his card then the door opened on its own. Hindi muna pumasok 'yong lalaki, nilingon niya ako't tinanong ulit.
"Do you want to get in? I can get you in."
Ah— No. He looked something... something creepy or maybe just mysterious. But... I have to see if Kevin's inside.
"Si—sige. Thank you."
Sumunod ako sa kanya. Lalo pa akong namangha nang sumakay kami ng elevator. Woah. Huminto kami sa 7th floor. Paglabas ng elevator, nalulula ang mga mata ko sa makulay na keyboards at mouse na umiilaw. Pati gaming chair nila, umiilaw din. Sobrang linis ng lugar at maraming naglalaro. Halos wala na ngang bakante.
"Dray! Dude, dito ka na."Offer ng isang lalaki na tumayo agad sa kinauupuan niya.
Isa pang lalaki ang tumayo, nagtama agad ang mga tingin namin. He's really here. Pero agad naman akong nagulat nang hawakan ng lalaking katabi ko ang kamay ko.
"Babe, tara."He even said to me with a grin.
Ano? Ano'ng pinagsasabi niya? Hinila niya ako papunta sa isang PC na bakante pero hindi ako tuluyang nakalapit do'n dahil hinigit ni Kevin ang isang kamay ko. He did it so quickly that I ended up hugging him to avoid from falling.
"What's this, Cailee?"pabulong na tanong niya.
"Chen, bitawan mo siya."utos no'ng lalaking tinawag nila kaninang Dray.
"Are you crazy? This is my girlfriend."Kevin answered, smirking. "Back off, Dray."
Kevin dragged me towards the elevator and even when we were at the ground floor, he's still gripping my wrist. Eventually, we made it out. Do'n lang niya ako binitawan, nang makalabas na kami.
"Are you out of your head? Ba't ka sumama sa lalaking 'yon?"singhal niya sa'kin. Umuusok 'yong ilong niya, seryosong galit siya.
"Well, I need to do it. Hindi naman ako makakapasok kung hindi dahil sa kanya. Ayaw mong magreply sa texts ko. Ni hindi kita macontact—"
"Tss. Ba't ka ba kasi nandito ha?"
"Do you really need to ask that? I'm here to see you. Tss."
Napatitig siya sa'kin sa naging sagot ko. Cailee? Mag-explain ka na baka kung ano na ang iisipin niya.
"You need to go back to school."natatarantang sabi ko.
"No."agad niya namang sagot. "Hindi na ako babalik sa pag-aaral. Sige na. Umuwi ka na. Cailee, 'wag kang babalik dito."
"Nope. Hangga't 'di ka bumabalik sa klase, hindi kita titigilan."
"At 'wag mo rin akong susubukan."pagbabanta niya.
Nginisian ko lang siya at umuwi na ng bahay. Sa sumunod na araw, dumiretso ako sa E-House pagkatapos ng klase. Hindi ko na kailangang pumasok dahil nakatayo si Kevin sa may kalayuan.
"Ang tigas talaga ng ulo e."He murmured. "Cailee, uwi."
"No."I insisted. "Hangga't hindi kita napapa-oo, hindi ako aalis dito."
"Nililigawan mo ba ako?"nakangising tanong niya.
"Tss. Kevin naman, bumalik ka na sa pag-aaral. Hindi mo naman kailangang sirain 'yong buhay mo e. Ano'ng makukuha mo sa araw-araw na paglalaro na 'yan? Please, stop ruining your life."
"I'm not, Cailee. I'm not ruining it. I am enjoying life."nakangising sagot niya. "Sige na, umalis ka na. 'Wag kang makulit."
"No."
"Park, 'wag mo akong inisin. Umalis ka na."
Sa halip na sumunod, tumayo lang ako do'n at nginitian siya.
"Can you at least walk me home?"tanong ko sa kanya.
"No. Wala akong kotse. Napakabigat mo e ang payat mo naman."
"I didn't ask a ride home. I want you to walk me home."
"No."sagot niya.
Hindi na ako nakapagsalita. Hinila na niya ako palabas ng building. Agad siyang pumara ng taxi. He opened the door for me. When I got in, he leaned on the opened window to say something.
"Ayaw na kitang makita. 'Wag ka ng bumalik."