[CAILEE'S POV]
Napapikit ako nang makitang wala si Kevin. I whispered my happy yeses. Yes. Yes. Yes. Walang asungot. I'm free to go!
"Am I late? Sorry, I've gone to CR. Duty called."
What? Kahit alam kong boses niya 'yon, lumingon parin ako. Nagbabakasaling maghimala at bigla siyang mawala.
"Oh? Anong problema? Ba't naupo ka? Bilisan mo dyan. You'll do a lot of things later."
I glared at him before taking my butt off the bench. Nakakainis naman o!
"Punta muna ako sa locker room, ilalagay ko lang 'tong books ko."pagdadahilan ko para takasan siya.
Sumama siya sa'kin kaya erase na sa isip ko ang tumakas. Ang timang, napaka-ungentleman, 'di man lang nag-offer. Ang dami nitong dala ko. Ang bigat pa. Napakaungentleman. Argh!
"Kanina mo pa ako iniirapan ah. Ano'ng problema mo?"
"A-anong pinagsasabi mo dyan?Baliw ka na. Tss."
"Ah. Iniisip mong di ako gentleman? Hahaha. Sorry. Never kong naisip na pagsilbihan ang kahit na sino. Kahit ang pinakamagandang babae pa."paliwanag niyang lalong nagpainis sa'kin sa kanya.
He's really the bad guy, the one who's bad for a company. Sana lang bumilis ang dalawang buwan at nang matapos na 'to. Ayoko na siyang makita o mapalapit sa kanya. A thought of him makes me want to vomit. Ungentleman.
"Ganun ba? Sorry. Ayoko rin sa mga ungentleman."I said.
"Sorry for—"
Binlockingan ko lang naman sya. Nagtagumpay ako. He fell for it because he looked at me instead of looking on the way. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko siya tinulungan.
XD
"Nakakatawa 'yon, Cailee?"sita niya nang mahabol niya ako. "Ang saya mo."
Tumawa parin ako dahil mukhang naiinis siyang pinagtatawanan siya. I glared at him before placing my things inside the locker.
"You'll regret doing that."
"Really?Hahaha."
Wahaha.Finally,nainis ko rin sya. Nice one Cailee. Good job. Hey there jerky, that's for you to know that I'm not just a girl. I'm not typical.
"Kevin, ano'ng gagawin natin dito?"tanong ko nang makababa na kami ng mall.
"Umibis ka na dyan at 'wag na 'wag ka nang magtanong ulit?"
"Ang sungit".Naibulong ko nalang at saka nagpatuloy.
Galit yata sya eh. Galit siyang naisahan ko kanina. Haha. Bahala siya sa buhay niya.
Phew! For real? Nice. Very nice. Ginawa lang n'ya naman akong tagadala ng mga pinamili niya. Nginisian pa niya ako. Ang saya. Hindi niya dapat makitang affected ako para mainis siya.
"Bilisan mo dyan. Cailee, ang bagal!"sabi niya na alam kong ginawa niya lang para asarin ako.
"I hate you!"bulong ko.
Ang sakit na ng kamay ko. Feeling ko nag-iiscratch off ang epidermis at dermis ng kamay ko. Humahapdi't namumula na sila.
Ang gago naman, ngumisi lang. Talagang wala siyang pakialam sa iba. Hindi man lang niya naisip na babae ako!