The next days were very hard; seeing Kevin everyday in school and treating him like the first time I knew him. The willingness to stop our friendship is still so firm in me. There was one time after our English class that I broke down.
"Sorry."I apologized shyly when I bumped into him accidentally.
"Sorry for what, Park? For trying to break me? Maybe, it wasn't clear to you. I want to be just the prince, Cailee. It's too complicated to be your knight."aniya at agad na umalis.
Sa halip na umalis sa silid, bumalik ako sa upuan ko at umiyak. Kahit nang tawagan ako ni Arianne, hindi ako umalis kaya iniwan narin nila ako para sa lunchdate sana naming magkaibigan. Bakit ngayong ginawa ko 'yong dapat, bakit nasasaktan parin ako?
"Cailee?"
Naglalakad na ako palabas ng campus nang tawagin ako Kent. His car stopped right outfront.
"Ihahatid na kita."
Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakakatawa lang ano? Hindi naging kami, walang kami pero bakit ako nagkakaganito ng dahil sa kanya? Sa 'di ko malamang dahilan, nilakad ko lang mag-isa ang pag-uwi sa bahay. Tulad ng dati.
"Hop in."
Mabilis na pinunasan ko ang luha sa mga mata ko bago humarap sa kanya. The emotion on Kevin's face is unreadable.
"Cailee, please."
"I'm okay, Kev-vin."
"Tsk. Cailee, naiinip na ako. Get in or I will make you."He threatened through gritted teeth.
Napalitan ng galit ang sakit na nararamdaman ko kanina. Sa sobrang inis ko nga ay mas binilisan ko ang paglalakad para makalayo sa kanya. I know it's useless because he's in his car.
As expected, he coped up and this time, he got out of the car.
"Cailee, ano ba?"
"Pwede ba umalis ka!"Singhal ko sa kanya. "Nakakainis ka na!"
"Ako? Hindi ba't ikaw 'yang bigla nalang nagagalit sa'kin. Grabe ka Cailee. Wala lang ba sa'yo lahat ng meron tayo?"
"Ano'ng pinagsasabi mo? Kevin, walang tayo!"
He scoffed. Smirking, he said, "We have something special, Cai. Our friendship."
Woah. Friendzoned.
"Kung may nagawa ako, sabihin mo naman sa'kin hindi 'yong ganito. Nagagalit ka nalang. Akala mo ba madali lang sa'kin na hayaan kang 'wag pansinin ako? Cailee, hindi na nga ako makatulog ng maayos e."
"So kasalanan ko pang napupuyat ka? Tss. Alam mo, hindi naman tayo magkaibigan no'ng una e. Ayaw mo sa'kin no'n. We hated each other for no reason. Let's go back to that, to what we were before."I snapped at him.
Sinipa ni Kevin ang gulong ng kotse niya kaya napaigting ako sa sobrang gulat. Galit na galit siya, kitang-kita sa mga mata niya. Pulang-pula rin ang pisngi niya.
"Kung sana 'di ba? Hindi ka nalang nangialam! Kung sana hinayaan mo nalang ako no'ng lumayo ako. Sana hindi nalang ako nagbago para sa'yo. Kung alam kong wawasakin mo lang ako. Sana hindi na kita hinayaang pumasok sa buhay ko."
Ang hirap kasing maging kaibigan niya e. Sobrang hirap kasi mahal ko na siya. Makasarili na kung makasarili pero hindi ko kayang manatiling kaibigan niya.
"I'm sorry."
"Sorry lang?"tanong niya. "Pagkatapos mo 'kong bigyan ng pag-asa para wasakin lang, sorry? Naalis ba niyan ang sakit na nararamdaman ko Cailee? Ikaw? Ba't ang dali lang sa'yo lahat na itapon ang—"