III- Badboy, the Boss

1.3K 34 8
                                    

 [Kevin's POV]

"Ano na naman ba ang problema mo!!?" asik niya matapos kong kunin 'yong papel na sinusulatan niya.

Hahaha. Para talaga siyang aso. 'Yong aso na gutom na gutom, na para bang handang kumagat sa anumang oras. Ang suplada! Sa'n ba pinaglihi ang babae na 'to?

"Hi! Pwede bang magpakilala ka kung sino ka?" binasa ko ang ang sentence ng sinulat niya. "Hahahahahaha. Ang weird mo rin pala no? Para kanino ba 'to ha?"

"At ano naman sayo ha? Akin na nga yan!"

Tinignan ko siya ng masama. Manliligaw niya siguro to. Oo nga pala! Ano nga pala ang pinunta ko rito?

"Aray! Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Sa'n mo ba ako dadalhin?"Ang ingay talaga ng babaeng to. Kapag ako nainis, patatahimikin ko talaga 'to.

"At talagang di mo sinagot 'yong mga tawag ko!"reklamo ko.

"Low-bat ako!" pasigaw niyang sagot.

"Lokohin mo na ang lahat ng tao sa mundo 'wag lang ako. Hoy Park, ako ang huling taong maloloko mo."

"Di ka naman kasi tao."sagot niya at saka ngumisi.

Ang tapang. Gusto niya talaga yatang makita akong mainis. Tiningnan ko siya ng masama at mukha naman siyang natakot. 

"Sa'n mo ba ako dadalhin? Ano ba? Bitiwan mo 'ko!"

"Wag ka ngang malikot!"

Hawak ng kanan na kamay ko ang isang kamay niya habang ang kaliwa naman ay nakahawak sa manibela.

'We're going on a date."sagot ko sabay ngisi.

"What! I'm your slave and not your girlfriend!"

"As a slave, you're obliged to follow everything I say!"

"Grrr! Nakakainis ka talaga! I really hate you!"

"And Listen! You're going to act like my girlfriend!"pang-iinis ko. 

Nakakatawa siya. Kung matagal ko na 'tong ginawa, malamang matagal na sana akong hindi na-bored sa pag-aaral.

"What!??? Eww! Never! Asa ka pa! Alam kong baliw ka at kung pwede lang, 'wag kang mandamay! Ihinto mo ang kotse!!"

Tss. Asa ka pa. Mainis ka diyan. 

"Wag kang magbingi-bingihan! Ihinto mo ang kotse!"

Bigla nalang niya akong pinagsasampal-sampal at sinuntok-suntok.

"Do you what to die? We're really going to crash!"pananakot kong hindi rin naman umobra sa katigasan ng ulo niya. Nagpatuloy siya sa ginagawa niya. "Will you behave?"

"Ihinto mo kasi ang kotse e!"

"Ano ba? Tumigil ka nga! Cailee!!! Tumigil—" 

"Aahhhh!!!!"Sigaw niya habang panay ang apak ko sa brake at pagcontrol ng kotse. Muntik na nga talaga kaming macrash, mabuti nalang at nakapreno agad ako.

"Nakita mo na? Ang tigas kasi ng ulo mo e! Ang—"
 

Umiyak ba siya? Napakaiyakin niya naman. Okay na naman kami. Tutuksuin ko na sana siya kaya lang ay nakita ko siyang nanginginig sa takot.

Bad Love °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon