On Saturday night, Kevin went to the house. Pero dahil napuyat ako sa kakaisip sa ginawa namin no'ng Biyernes ng gabi, hindi ko siya nilabas. Hinayaan ko siyang nakatayo sa labas ng ilang oras. Alam ko dahil sinisilip ko siya mula sa bintana.
Cailee, ba't mo ginawa 'yon? Pangaral ko sa sarili ko habang pinapanood siyang umalis. Ugh.
"Tama lang 'yon. Tama lang 'yon, Cailee."I told myself.
Ang ikinagulat ko, bumalik si Kevin sa sumunod na gabi. The sudden coldness ate up my whole body. I froze, thinking why he's wanting to see me. Isn't this what you want? To see him?
Pinalo ko ng mahina ang pisngi ko. Paano ba naman kasi? Hindi ko talaga siya kayang harapin.
"Sorry."bulong ko habang pinapanood na naman siyang lumalayo.
Hindi ako nakatulog ng maayos. Oo, nakakainis dahil bukas, klase na. At talagang ngayon pa ako pinuyat ng utak kong hindi mapakali.
Ano naman ba kung magalit si Kevin sa'yo? Since when did I care, right? Since when? Since long time ago, Cailee. Tss.
"How's the weekend, buzzkill?"Eia asked me as we walked through the hallways towards our classroom.
"Nothing special."I answered lazily.
"You're really so boring. Ugh. Absent pa naman si Aria ngayon."reklamo niya na naging dahilan para makatanggap siya sa'kin ng kurot sa tagiliran. Totoo naman ang sinabi jiya pero talaga bang kailangan niyang sabihin 'yon? Nakaka-offend kaya! "Oh-Ah. Cai, ginutom ako bigla. Punta muna akong canteen!"sabi niya't nagmamadaling umalis.
Napairap ako matapos sundan siya ng tingin. Nakakainis din talaga magkaroon ng kaibigang tulad ni Eia. Ugh. I was about to resume walking when I saw someone standing right outfront. He's just few steps away from me.
"Nice one, Park."walang kangiti-ngiting anas niya at walang pasubaling hinila ako palayo ng building.
"Kevin! Hey, stop!"I yelped but he didn't listen. "Kevin, ano ba? Sa'n mo ba ako dadalhin?"
"Get in."utos niya matapos buksan ang pinto ng isang pulang kotse.
"No."
"Don't make me do it, Cailee."pananakot niya.
Napasimangot akong sumunod sa gusto niya. I got in the car and he followed next.
"You ditched me twice. That's unforgivable."He stated, gazing straight to my eyes.
Napalunok ako ng paulit-ulit. Bigla-bigla, pakiramdam ko nauubusan ako ng oxygen. Wala bang oxygen sa loob ng kotse niya?
"What now, Cailee?"
"Kevin-I... I wasn't home during the weekends."
Ngumisi siya at saka tumingin ng diretso.
"You weren't home? I didn't say anything about how and when you ditched me."He returned his eyes on me and my heart again is on its abnormal palpitation. "Why didn't you get down to see me, Park? I waited for hours to see you."
Gosh. That look. Galit na naman siya. Napakagat ako ng labi. Lilingon sana ako sa kabilang direksiyon para maiwasan ang titig niya. Pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataong takasan ang galit na mga mata niya. Hinawakan niya ang chin ko.
"Look at me. I want to watch you lying to me."
"Kevin... I was..."
Damn! Ba't ako nauutal! I don't even know what to say!