Hilam sa luha ang mga mata ni Kevin nang harapin niya ako. Nanlulumo 'yong mga paa ko kaya kahit gusto kong tumakbo, hindi ko nagawa. Walang tigil sa pagbagsak ang luha sa mga mata ko. I can't feel my heart anymore. I can only feel the pain that's devouring my entire system.
"Kevin, sabihin mo sa'kin habang handa pa akong makinig. Okay lang kung masasaktan ako."I bravely said.
"Mahal kita Cailee."
"Kailangan ko ba talagang marinig 'yan?"Humihikbing naisatinig ko. "Iyan ba 'yong itinatago mo sa'kin? Masasaktan ba ako dahil mahal mo 'ko?"
Humakbang siya papalapit sa'kin pero umatras ako. Itinaas ko rin ang kamay ko para patigilin siya sa paglapit.
"Hangga't hindi ko marinig kung ano 'yong dapat matagal ko ng alam, ayaw kong maramdaman ka. Kaya Kevin, please. Just tell me."
Hindi siya nagsasalita habang napapahawak naman ako sa dibdib ko.
"Say something. Please just tell me the truth." I pleaded. "I can't breathe. Kevin, I can't breathe." Natatakot ako. Paano kung talagang ikakawasak ng mundo ko ang malalaman ko?
Wala na akong nagawa nang lumapit siya para yakapin ako. Umabot na sa sukdulan 'yong sakit na nararamdaman ko. I can feel that there will be no more us after this so I just cried while allowing myself to stay in his arms.
"Mahal kita Cailee. Diba? Sabi ko sayo, kahit anong mangyari, 'wag mong kakalimutang mahal na mahal kita. Ikaw at ikaw lang Cailee, habang-buhay."
Bakit ang dating ang saya pakinggan ay nagiging masakit?
Itinulak ko si Kevin dahil sa sinabi niya. Pero sa halip na lumayo, lumuhod siya sa harapan ko.
"Run away with me. Cailee, we'll make things right. Live with me. Just marry me."Umiiyak na sumamo niya habang nakayakap sa binti ko.
"Tumayo ka diyan. Kevin, sabihin mo sa'kin kung ano ang dapat kong marinig! Ano? May iba ba? Si Ivory? Bumalik na ba siya? Ano? Kevin, sabihin mo dahil mababaliw na ako sa kakaisip kung ano 'yong mas masakit pa dito."
Nangibabaw 'yong pagmamahal na nararamdaman ko; tumulungko ako para tulungan siyang tumayo.
"Please, sabihin mo lang sa'kin. Kakayanin ko kung gaano kasakit."
"Cailee, ayokong mawala ka sa'kin."
"Hindi 'yan ang kailangan kong malaman, Kevin. Please. Please, just tell me."Pagmamakaawa ko ulit.
Siguro narinig ni Kent ang mga boses namin dahil lumabas siya ulit. Or maybe it was all just a coincidence. When he got out, he was with tita Karla, Tala and...
"Kevin, kanina ka pa namin hinihintay ng fiancee m—"Tita Karla stopped when she saw me.
Fiancee? Totoo ba 'to? Ikakasal sa iba si Kevin? Kasi alam ko, naaalala kong hindi ang sagot ko sa kanya kaninang umaga. Ibig sabihin no'n, hindi ako ang fiancee niya. Tumakbo si Tala papalapit sa'kin. She embraced me like she's a grown up who understood my pain.
"I'm sorry ate Cailee. You would have been my favorite sister-in-law."She said, her voice breaking. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti. Yumuko ako para lumebel ang mga mukha namin.
"You don't have to say sorry, Tala. I'm... I'm okay."I lied as I looked at Kevin who's staring at me. "And I am sure... your kuya's fiancee is so much better than me."
"Cailee."Tawag ni tita Karla nang makalapit siya sa'min. Kinuha niya ang kamay ni Tala.
I got it now. Kaya pala tinanong niya ako minsan kung seryoso ba 'yong relationship namin ni Kevin. Ito pala 'yon. Matagal na silang engaged.