5

2K 81 1
                                    

A/N:

#SLEDerpHerp


*****

J

It was another busy Monday. We have to meet 3 clients today, 2 suppliers and the photographers. Hindi na namin alam kung anong gagawin namin ni Maqui. Di namin alam sino uunahin namin. Bukod sa mga immeet namin, may mga tawag pa nang tawag para mag-inquire. Mabuti n lang talaga dahil andito sa office ngayon si Kenth to help Doms and Kate with the calls.

"J, nagtext si Mrs. De Villa. She wants to move the meeting at 10:30 kasi may appointment siya sa doctor mamayang 3pm." Kate informed me.

"Ha? Teka. May immeet ba kami ng 10:30?"

"Wala naman but you have a lunch meeting with Franky for the wedding next Saturday."

"Wedding..."

"Yung kay Jim and Karen." aniya.

"Ah! Right. Wait. Sino si Franky?" pagtataka ko.

"Sila yung sa Black Tie Project na photographers. Sila kasi yung gusto nina Jim eh."

"Ah okay. Tell him--"

"He's a she." natatawang sabi niya.

"Whatever. Basta tell them na kahit mga 12:30 na magmeet dun sa resto. Para lang may konting allowance tayo kay Mrs. De Villa."

"Okidoki." ngiti niya tsaka na nagtype sa phone niya.

"Maq, yung sa flowers pala tumawag kanina. I think about dun sa pinapalitan ni Dra. Galvez na flowers." sabi ni Doms.

"Ano daw sabi?" ani Maqui.

"Baka daw hindi makarating on time yung flowers kasi imported from Italy pa yun eh estimated nila is by next week pa. Eh kaso diba yung event ni Dra. this weekend na?"

"Tsk. Osige ako na kakausap kay doc. Ano pa?" tanong niya na medyo naiirita na. Sa aming dalawa, ako ang ulyanin, si Maqui naman ang maikli pasensya.

"Ako girl may news." ani Kenth saka pa nagtaas ng kamay.

"What?" sabay na tanong namin ni Maqui.

"Ano magandang color? Itong metallic pink or yung pastel blue?" sabi niya habang pinapakita ang nail polish na dala niya.

"Argh! Bakla wag ka na ngang sasabay sa gulo!" inis na singhal ni Maqui. Imbes na mainis ay tinawanan lang siya ni Kenth at saka pa binelatan. Napailing na lang ako tsaka na tumingin sa planner ko.

9:30 - Call Garden of Eve flower shop and Helga's Flower Shop
10:30 - Meeting with Mrs. De Villa for their company's 25th anniversary
12:30 - Meeting with Black Tie Project @ Cyma Eastwood for Jim and Karen's wedding concpetualization
4:30 - Meeting with Dra. Galvez for their clinic's 10th anniversary
7:30 - Dinner meeting for Naomi's debut

Tinignan ko ang watch ko at nakitang 9:15 na. Aagahan ko na lang pagtawag sa suppliers para maaga kaming makapunta ni Maq sa office ni Mrs. De Villa.

"Maq, tawagan mo na yung Helga's. Ako na sa Garden of Eve." sabi ko. Tumango siya saka na inangat ang phone sa may desk niya. Ganun din ang ginawa ko and dialled the number of the supplier. Matapos ang ikatlong ring ay sinagot na rin agad iyon.

"Garden of Eve, good morning." sabi sa kabilang linya.

"Steph, si Julie to." sabi ko.

"Oh. Hi, Jules! Ikaw na pala yan. Did you receive my email? Sinend ko yung photos nung flowers na gusto ni Mrs. De Villa sayo. And also yung alternatives just in case maubusan tayo."

Someone Like ElmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon