E
I was surprised to see Dave at the office. Akala ko ba may hangover tong lokong to?
"Kala ko di ka papasok?" tanong ko.
"Di nga dapat. But I got bored at home." aniya. "Don't worry dude. Di ako magttrabaho. Tatambay lang ako dito." sabi niya pa. Umiling na lang ako and sat on my desk. Pinagulong niya naman ang swivel chair niya palapit saken.
I started working on another photo as he watched me. Pakanta-kanta pa si loko habang nanonood saken akala mo naman siya tong may ginagawa.
"Kailan yan?" he asked.
"Kanina." tipid na sagot ko naman.
"Saan?"
"Sa condo?"
"Wow. May progress na ah. Kayo na ulit?" tanong niya. Umiling ako saka nagpatuloy sa ginagawa ko.
"Hindi and I'm willing to wait. Sinundo ko lang siya kanina kasi nasiraan siya kagabi."
"So siya yung sinasabi mong emergency." ngisi niya. Natawa na lang ako at di na siya pinansin. "Siya nga no? Aysus! Parang highschool!" asar niya at binatukan pa ko.
"Aray!"
"Ikaw na talaga dude. Ikaw na." sabi niya pa habang patuloy akong inaasar. "Sana pahirapan ka ni Julie. Mga tipong papakainin ka ng bubog, paglalakarin sa baga, tutulay sa alambre. Hahaha."
"Tarantado. Patayin mo na lang kaya ako?" sabi ko.
"Hoy gago. Dun nga malalaman kung seryoso ka ba talaga eh." sabi niya. "So if she asked you to go and catch all the stars, you won't do it?"
"Dude, I'm willing to give her the whole world. But let's be realistic here." sabi ko.
"Nililinaw ko lang." aniya sabay tapik. "Nice shot ha. You really like taking candid shots."
"Dun mo kasi nakikita yung tunay na ganda ng picture eh." sagot ko.
Tumango na siya at pinaandar na uli ang swivel chair niya. Dave can be childish sometimes. Ganyan ata pag solong anak eh. Mas matured pa nga mag-isip si Franky sa kanya eh. Hinayaan ko na lang siya maglibang sa office while I do my work. I printed the photo after and wrote another letter at the back. Then I stood up and picked up my bag.
"San ka pupunta?" he asked.
"Diyan lang sa kabilang street. Dito ka lang."
"Bili kang chibog." aniya.
"Oo na." sabi ko at lumabas na sa office.
"Good afternoon sir." bati ng babae when I entered their store.
"Hi. Uhm. How much for the bouquet of stargazers?"
"Ilan ba sir?"
"2 dozens maybe?"
"Php2,700 po." sagot niya.
"Sige I'll order one. Tapos pakilagay uli to dun sa bouquet." sabi ko.
"Same address ba sir? Sa Makati?"
"No. Sa BGC. Ito..." sabi ko and gave her the address of her condo unit.
"Okay po. Mga what time mo to gusto ipadala sir?"
"She usually wakes up at 6. Mga 7 siguro. Pero don't wait for her. Just leave them at her doorstep." sabi ko. Napangiti siya saka tumango as she takes down all my instructions. "Also, pasuyo na din ako. I'll give you guys extra tip na lang. Please buy her a hot caramel macchiato. Venti. Tapos BLT sandwich sa Starbucks."
