A/N:
#SLEDerpHerp
*****
J
"Girl, wit mo bet?" tanong ni Kenth sabay turo sa sushi gamit ang chopsticks. Umiling naman ako saka siya ngumisi at akmang kukunin na yun nang paluin siya ni Maqui gamit ang chopsticks niya. "Aray naman! Inaano ka ba?!"
"Ikaw porket di nagkakakain tong kaibigan natin, sinasagad mo naman. Kaya nagkakachance magrebelde yan eh. Kunsintidora ka." aniya.
"Aba kaysa masayang yan, edi saken na lang. Wag ka nga!" sabi naman ni Kenth at pinilit pa ring kunin ang sushi.
"Julie, kumain ka kahit konti lang." alalang sabi naman ni Kate. Umiling lang ako saka suminghap at tumayo na mula sa mesa.
"Sinong favorite tambay niyo?!" napatingin ang lahat nang pumasok si Rob sa office. Bigla naman siyang napatingin sa akin at napakunot ang noo. "Hey, cousin. Kumain ka na? Brought your favorite comfort food." sabi niya at inangat ang paper bag ng isang Persian restaurant.
"She didn't even touch her sushi, Rob. Kanina pa namin siya pinapakain ayaw niya." ani Maqui.
"Magkakasakit ka niyan. Gusto mo bang mag-alala si lolo sayo?" ani Rob sabay upo sa tabi ko dito sa couch. "Come on, Juwie. Eat lunch na please?"
"I'm not hungry." sabi ko.
"It's been 3 days, Julie." ani Kenth. "Girl, paano naman tayo makakagetlak ng boylet kung hunger strike ang peg mo? Nako girl. Wiz bet ng mga boys ang mas payat pa kay Kim Chiu."
"Ikaw lang naman may gusto manlalaki, friend." sabi naman ni Kate kay Kenth. Inirapan lang siya nito saka pa sila nag-asaran.
"Atleast ako bet ko boys. Eh ikaw?"
"Ay! War na yan!" ani Doms at pumalakpak pa.
"Ay personalan na to!" ani Kate sabay taas ng sleeves ng shirt niya. "Sapakan na lang oh!"
"Ay girl, wag. Ang beauty ko please! Sasali pa kong Ms. Universe."
Natawa ako at nagtinginan silang lahat sa akin.
"Pakitawagan si Fr. Faller. Magpapamisa tayo sa Lucban. Tumawa na si ate girl!" bulalas ni Kenth at lalo akong natawa. Para na kong baliw dahil tawa ako nang tawa pero maya-maya lang ay naramdaman ko na ang mainit na luhang pumapatak sa mga mata ko.
"Vaks parang Mandaluyong na kailangan nating tawagan." alalang sambit ni Maqui.
Napasubsob ako kay Rob at agad naman niya akong niyakap at inalo.
"Shh... Juwie don't cry." aniya habang hinahagod ang likod ko.
Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang paglapit nilang lahat sa amin dito sa couch. Inabutan pa ko ni Doms ng baso ng tubig.
"Alam mo, hindi maganda yang ginagawa mo. Naiintindihan ka namin na nasasaktan ka. Na parang bumalik ka sa first step pero di mo kailangan pabayaan yung sarili mo. J, mas mahirap kung magkakasakit ka dahil lang sa kakaisip mo sa bagay na yan." ani Maqui.
"Oo nga Julie. Gets naman naming mahal mo pa rin siya pero di mo naman pwedeng pabayaan yung sarili mo. Hindi naman natin maibabalik yung nakaraan kung magkakasakit ka diba? If he really is sorry, he will do everything to win you back. Kung may girlfriend man siya or whatever, titimbangin niya kung sino ba talaga ang mas mahal niya. Hindi naman pwedeng dalawa kayo at hindi kami papayag na magpapakagaga ka uli sa kanya because you deserve more than what he can give." dagdag naman ni Kate.
"Tama sila friend." sabi naman ni Kenth at tumango naman sina Doms at Rob.
"Alam mo kung anong magandang solution para mawala yang lungkot mo?" ani Rob sabay ngisi.