A/N:
#SLEDerpHerp
*****
J
"Oh ayan, dad. You heard what the doctor said ha? Hindi ka na pwede magpumilit na maglakad on your own." Tito Wilson said to lolo.
"I can still walk." lolo insisted. "Tsaka bakit kailangan ako iconfine? I'm not sick!"
"Dad, kailangan ka lang nila iobserve ng ilang araw. Dahil sa pagkakadulas mo, they have to make sure na walang nabaling buto or nadislocate." sabi naman ni Ninang Rose.
"Lolo, do you want anything?" I asked him.
"Gusto ko na umuwi apo. Magkakasakit ako dito eh." aniya.
"After a couple of days lolo, uuwi na tayo okay? We just have to stay here until they tell us that we can leave." sabi ko habang hinahagod ang ulo niya.
"Don't worry, lolo. Juwie and I will take turns sa pagbabantay sayo." sabi naman ni Rob. Sumimangot lang si lolo sa amin saka pumikit.
"Hindi ko kayo bati. You all sound like you're older than me." aniya. Hinayaan na lang namin siya at nagtungo na lang sa living room ng presidential suite niya.
"Hindi ko ba naman alam bakit naisipan niyang magpunta sa bathroom ng walang kasama. Tinanong ko si Clarence kung bakit nag-iisa si dad sa kwarto and he told me that he just went out to get his medicine at pagbalik niya ay nakahiga na ang lolo niyo sa bathroom floor. Samantalang nakadiaper naman na siya." ani Tito Wilson.
"According to his doctor, signs of Alzheimer's daw po yan." sabi ko. Napasinghap na lang si tito at ninang.
"Mabuti pa siguro, wag na muna tayo sa bahay, dear. Samahan na muna natin si dad sa bahay sa QC." ani ninang.
"Mabuti pa nga. Kahit ayaw niya, wag natin hayaang sila lang nasa bahay ni Clarence. Kawawa din yung bata. Nagguilty tuloy dahil akala niya kasalanan niya." iling ni tito.
They stayed there until Dr. Lance came to tell them lolo's condition. Inexplain sa kanila ang dementia and ang iba't ibang klase nun. Pagkatapos ay sinabi na bukas ng umaga ay kailangan uli dumaan ni lolo sa xray para macheck kung talaga bang walang fracture sa kanya. Pagkatapos nun ay umuwi na sila leaving me and Rob behind.
"Alam mo, mas mahirap mag-alaga ng matanda kaysa ng bata." Rob said. Nakaupo kami nun sa sala habang tulog si lolo sa kwarto niya.
"Pag bata kasi nakikinig pa. Pag matanda na, stubborn na." sabi ko making him laugh.
"Yes." tango niya.
"Pero you specialize in geriatrics diba?"
"Oo. Kasi for lolo na din." aniya. "We have to be prepared anytime. I know lolo seems strong pero people with dementia have shorter life spans when diagnosed. Humihina ang immune system nila at mas lapitin na sila ng sakit."
"I'm not yet ready to let lolo go." sabi ko.
"Sino bang handa? Ako din naman, Jules. Kung pwede nga wag na siya mawala eh. But he's old na rin naman. He's done a lot in this world. Baka namimiss na siya ni lola."
"Baka sabi ni lola kota na daw tayong mga apo niya." sabi ko at natawa kami ni Rob.
"Lolo J!!!" nagulat kami nang nagbukas ang pinto and saw Maqui and Kenth carrying boxes of pizza and a paperbag full of chips.
"What the?" sabi ko.
"Omg girl, ang mga tunay na apo andito." ani Kenth kay Maq.
"Hayaan mo sila, vaks. Mas love ni lolo ang mga ampon." sagot naman ni Maq saka na sila nagpunta kay lolo.
