E
"Hey, how's Cebu?" I asked. It was her 2nd day there with Kenth and Maqui and I'm missing her terribly. Kulang yung oras namin nung dumating ako from Singapore.
"It's fun. Kanina nagbeach kami. Kasama yung pamangkin and pinsan ni Kenth. Love, sobrang cute ni Yuki. Ang taba and yung dimples niya sobrang lalim kahit di siya ngumingiti. I'll send you a picture mamaya kapag nakauwi kami."
"Pauwi pa lang kayo from the beach? Maggagabi na ah." sabi ko.
"No, baby. Nakauwi na kami kaninang after lunch. Kenth's taking us to the plaza. May band performances and food stalls daw dun eh. And you know bakla naman. Basta pagkain? Pupuntahan niya yan."
"Hahaha. Oo nga. Enjoy kayo okay?"
"I will. Ikaw? How's your day? Di ka nakapagtext saken the whole day." she asked, worry evident in her voice.
"I was busy at the studio, love. Daming editing na ginawa eh. Also, naisip ko na minsan na lang kayo magbonding nila Kenth at Maq, so hinayaan ko na muna na mag-enjoy kayo." sagot ko. "I'm sorry. Nag-alala ka ba?"
"Medyo. Akala ko kasi kung ano na nangyari sayo." aniya. Napangiti naman ako sa narinig. Kahit kailan, di talaga mawawala sa kanya yung ganung ugali. Yung pagiging thoughtful niya.
"I'm sorry." sabi ko.
"It's okay. Oo nga pala. Baby, mga gabi pa dating namin ni Maq tomorrow. May pupuntahan pa daw kasi kami bukas sabi ni Kenth so gabi na yung kinuha naming flight pabalik ng Manila."
"Okay. Just text me the details para masundo ko kayo." sabi ko.
"Wag na, Moe. Baka kasi sobrang late na kami makarating diyan. Mga 11pm pa kasi yung flight namin. Eh mapapagod ka lang."
"Anong sabi ko sayo? Basta ikaw diba? Tsaka Rob can't pick you up kasi night shift siya bukas." sabi ko. "Susunduin ko na kayo. Para sure akong safe kayong makakauwi."
"Well, di rin naman kita mapipigilan. Sige na nga. I'll give you the details later." aniya. "Hoy!" narinig kong sigaw ni Julie.
"Ah excuse me, Elmo. Mamaya mo na landiin tong si ate girl ko ha? Kasi andito na kami sa plaza. Alamona. Banda and stuvves tas chibog so mamaya ka na humarot pag-uwi namin. Okay?" narinig kong sabi ni Kenth. Natawa na ko saka na lang siya tinanguan kahit pa di niya ko nakikita.
"Okay, Kenth. Take care of my baby."
"Oo na. Para namang papaslangin ko to." aniya.
"Akin na nga!" sigaw nanaman ni Julie saka ko na narinig ang pagbabalik ng phone niya sa kanya. "Hello..."
"Hahaha. Sige na, love. You guys enjoy okay? Don't drink too much."
"Opo." aniya. "You eat your dinner ha? Itetext ko si Manang Ana at itatanong kung kumain ka ba o hindi. Alam mong di magsisinungaling saken si manang."
"Hahahaha. Opo, ma'am." tawa ko.
"I miss you." aniya na nagpangiti sa akin.
"I miss you more. Enjoy the night. I love you!" sabi ko and even kissed my phone.
"I love you too, Moe. See you tomorrow."
We ended the call at bumaba naman na ako mula sa kwarto to check if dinner's ready.
"Ya, gutom na ko." sabi ko pagpasok sa kitchen. Yaya Ana was bus talking to Manang Cora na siyang nagluluto ng hapunan.
"Akala ko ba ayaw mo kumain?"
"Kakain ako. Baka magsumbong ka sa girlfriend ko eh. Papagalitan ako nun." ngisi ko. Natawa sila ni Manang Cora saka na tumango.
"Sige at dadalhan na kita sa hapag. Matatapos na tong niluluto ni Cora na estofado."