A/N:
#SLEDerpHerp
*****
E
Day 423:
"Hindi tayo si Popoy at Basha para magkaroon pa ng Second Chance."
This will be the last time that I will write about you. The last time that I will think about you. After 423 days and 17 hours, I am finally letting you go. I was at a cafe when I heard the line written above. And then it just clicked. Hindi nga naman tayo si Popoy at Basha para magkaroon ng Second Chance. Dahil hindi naman pelikula ang buhay natin. Hindi naman ito isang palabas na kung gustong gawan ng part 2, ay magagawan agad ng script. This is the real life. And this means that I am going to stop waiting for you. I am going to stop myself from expecting too much from you because if you really love me, you wouldn't even ask for space in the first place.
I turned to the next page and found it empty. She really did it. She really stopped waiting for me to come back. And I'm not gonna blame her. I was a real asshole. Pero masakit pa rin dahil sinukuan na rin niya ako.
"Sunog! Sunog!" nagulat ako nang sumigaw si Dave ng ganun. Napatayo ako saka napapunta sa may pinto when I heard them laughing.
"Hahahaha. Works everytime!" ani Franky.
"Fuck you all." iritang sabi ko at padabog na naglakad pabalik sa desk ko. "Fuck you all bigtime."
"Fuck you right back, dude." ani Dave saka pa nagbad finger sa akin. "Ano ba yang binabasa mo na yan? Parang ngayon ko lang nakitang nagsusubsob ka sa pagbabasa ng libro ah?" tanong niya sabay turo sa journal ni Julie. Agad ko itong sinara at tinago sa bag.
"Wala. W-wala lang yun." I stuttered.
"You okay, Moe? Ilang araw ka ng ganyan ah." sabi ni Alex.
"Obviously hindi siya okay, Lex." ani Franky. "Hindi nga kasi siya nakalapit dun sa mga chicks na magaganda nung kasal nila Jim diba? Tamo nga umuwi ng maaga."
Napalingon naman ako kay Dave at natawa lang siya.
"Eh binlackmail ko kasi. Sabi ko susumbong ko siya kay Liz kapag nilapitan niya yung mga chicks." sabi naman ni Dave.
"Well, they are pretty nga. Pero we all know that Elmo loves Liz. Ikakasal na nga diba?" kibit-balikat ni Alex. "Right, Moe?"
"Yeah..." marahang tango ko.
"Hey guys! Good morning!" nagulat ang lahat nang pumasok si Liz sa studio. May dala siyang box ng doughnuts at coffee para sa lahat.
"Good morning, Liz!" ani Alex. Nagtinginan naman si Franky at Dave saka pa sila sabay na tumingin sa akin. Umiwas lang naman ako ng tingin saka na lang nilapitan si Liz.
"Aga mo naman?" I asked.
"Well, we have to go to dad's golf game today, hon. Remember? We promised him na manonood tayo sa tournament niya."
"Ah. Ngayon na ba yun? Akala ko next week pa eh." sabi ko. Natawa si Liz at napahalik sa pisngi ko.
"Hon nagiging makakalimutin ka na." aniya. "Tara na. It's gonna be held in Bataan. Then magsstay tayo sa condo dun with Ate Li and Luke over the weekend."
"Ah. Okay sige. Pero wala naman akong dalang gamit." sabi ko.
"We'll just buy your clothes in Subic. We don't want to disappoint dad don't we?" aniya.
"Right." tango ko.
"Guys, I'm kidnapping my fiancé today. Okay?"
"Sure, Liz. Go tie him up if you have to." biro ni Dave. Tumawa sina Franky at Alex sa kanya at minura ko naman siya ng pabulong.