J
"MGA MAMAAAAAAAAANG!!!!" it was Kenth's shrieks that caught the attention of all the people in the airport. Hay. Kahit saan talaga eskandalosa tong baklang to. Para namang sampung taon na kaming di nagkita samantalang nung last month lang naman siya nagpunta dito sa Cebu.
"Bakla naman ang ingay." iritang sabi ni Maqui. And as usual, Maqui will always be the reklamador and the iritable friend.
"Namiss ko lang naman kayo! Grabe. I have no social life! I have no friends, I have no one with me but all the shitty paperworks my dad wants me to do. Mga bes, mababaliw na ko." sabi ni Kenth. Umirap lang naman si Maqui at natawa naman ako. "Jules!!! Ikaw na lang magreact sa kwento ko girl. Walang kwenta yang payatot na mahaderang yan eh." aniya sabay akbay saken. We walked out of the airport and rode his car papunta sa bahay nila. This is one of the perks of having a super rich friend who has houses in almost all of the 7,107 islands in the Philippines. Free accommodations talaga eh.
"Vaks, andun si tita?" Maqui asked.
"Yeah. Actually mga bes, mom's been busy preparing for your arrival. Sabi ko nga sa kanya 'Mother, witchikels mo akiz nireadybels ng lapyok nung nagarrival galore akiz ditey sa balur! Whysung nung sila Maquibels at Juliebels ang aarrive, more lafang more fun ang dramabels mo?!'"
"Anong sabi niya?" tanong ko.
"Edi siyempre wiz niya nagets ang lola mo. Nabatukan pa nga ako eh. Girl, muntik na mapunta sa tuhod yung ulo ko. Hahahaha!"
"Gago ka kasi. Alam mong di naman alam nila tita yang mga salita mo, pinapaandaran mo ng ganun." ani Maqui.
"Eh bakit ba." sambit niya.
"Si tito?"
"Last week bumalik ng Japan. I think may problema dun sa company niya dun. Beastmode ang lolo mo nung umalis eh."
"Eh akala ko ba magreretire na siya? Kaya nga diba ikaw na maghahandle ng mga business niyo?" pagtataka ni Maqui.
"Asa ka naman dun. Girl, kaya nga dito ako sa Cebu pinadala eh. Kasi yung hotel lang dito ang aasikasuhin ko. Yung airlines niya tsaka ibang business, siya pa din. Wala atang tiwala saken. Hahahaha."
"Bakit? Baka di mo makaya yung pressure?" tanong ko.
"Girl, di tayo seryoso sa buhay masyado. Kaya lang ayaw niya ako dun sa airlines kasi sa dami ng gwapong piloto dun, ay nako girl! Lahat yun saken na! Hahahahaha!"
Nagtawanan kaming tatlo at binabatukan pa siya ni Maqui sa sobrang kalandian niya. Gaga talaga tong baklang to kahit kailan.
"Oo nga pala. Yung pinsan ko nasa bahay din. Galing US yun. Medyo di marunong magtagalog so ready your tissues na lang. Tsaka yung pamangkin ko kasama niya. Jusko. Tatanda ako ng maaga sa kakulitan ng batang yun."
"Sinong pinsan?" tanong ko.
"Yung kinukwento ko sa inyo dati pa na naglayas? Yung nabuntis ng boyfriend niya tas di pinanagutan. Laking US yun."
"Si Amara?"
"Tumpak! Check na may pink na ballpen with glitters on the side!" tango niya.
"Ilang taon na nga yun?"
"21, friend." sagot niya. "18 lang nung nabuntis."
"Bata pa pala." ani Maqui.
We arrived at their house an hour later. Medyo malayo kasi sa city yung bahay nila at medyo natraffic din kami. Cebu is like Metro Manila already. Madaming tao, sasakyan, congested na ang mga road networks and the such.
