Prologue

3.4K 98 5
                                        

A/N:

Spoken word by: Juan Miguel Severo
Title: Ang Huling Tulang Isusulat Ko Para Sa'Yo

Play the video para feel na feel. 😉


*****

Prologue:

"Ano ba naman tong si Kenneth. Bakit naman Roxas Boulevard pa talaga naisipang gumimik?" reklamo ko.

"Aba malay ko, girl. Baka dun sa cafe na sinasabi niya yung nameet niyang gwapo daw." sagot naman ni Maqui. Abala siya sa pagtatali ng buhok habang ako nama'y nakamasid lang sa labas ng bintana nitong taxi na sinasakyan namin. "Kuya diyan lang po sa may Sev's Cafe." rinig kong sambit niya sa driver.

Umayos na ako ng upo saka sinuklayan gamit ang kamay ko ang buhok ko habang tumatiming ang driver na makahinto sa may sidewalk. Matapos kaming magbayad ni Maqui ay bumaba na kami at naglakad papasok sa cafe.

Hindi kalakihan ito. Para nga siyang yung mga rustic styled cafe sa Maginhawa. Ang alam ko lang tungkol dito ay sa isang sikat na reporter daw itong cafe na ito.

"Mga mamang!!!!!" narinig namin ang matinis na boses ng kaibigan naming si Kenneth. Lumingon ako sa direksyon ng boses niya at napangiti nang makita siya. Agad namin siyang nilapitan saka sabay kami sabay na bumeso sa kanya. "You're just in time, friends. Open mic ngayon eh."

"Huh?" pagtataka ko. "Anong open mic?"

"Ay shit. Magulang." ani Kenneth saka pa ko tinignan mula ulo hanggang paa na para bang ako ang pinakabobong nilalang na nakilala niya.

"Open mic, uso yun ngayon, J. Sa mga cafe, may mga pwedeng magshare ng kahit ano. Minsan kwento, minsan tula. Depende." sagot naman ni Maqui. "I've watched one nung lumabas kami ng mga pinsan ko and ang gagaling nung lahat ng nagsalita."

"Buti ka pa girl updated. Itong si friend nasa ibang dimension nanaman ata." ani Kenneth. Inirapan ko na lang sila saka na tumingin sa menu na inabot ng waiter.

"Ayan na. Start na." rinig kong sabi nilang dalawa pero hinayaan ko lang. Narinig mula sa stage ang pagtapik sa mic para icheck kung nakabukas ba ito o ano. Sunod nun ay ang paghugot ng isang malalim na hininga.

"Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo..." pagkarinig ko pa lang nun ay napaangat na agad ang ulo ko at napatingin sa kung sino ang nagsasalita. Isang lalaking sa tingin ko ay nasa 22 o 23 years old pa lang.

"Pangako 'yan, at totoo.

Hindi ko alam kung magiging ga'no kahaba

Kung kasya ba sa isang pyesa,
ilang pahina,
ilang minuto ang itatagal at ihahaba nito
kaya posibleng hindi ko agad makabisado.

Pero pangako 'yan...
Ito na, ang huling tula na isusulat ko para sa 'yo.

Itaga mo 'to sa bato
abutin man ako ng umaga dito
hindi ko ipipikit ang mga matang ito.
uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo
o ng anumang tawag ko sa'yo,
(mahal, sinta, irog, pangga, babe, beh, bae, asawa ko, mine? wifey, bae, kulet, kapal, kupal, walangya, puki, puking ina ka)

Ano pa ba?

Wala akong pakialam kung abutin ako ng ilang talata dito,
pero hindi ko na pwedeng patirahin lang,
dito sa loob ko, ang mga salitang ito.

Kaya pangako...

Ito na, ang huling tula na isusulat ko para sa 'yo.

Magsisimula ako sa umpisa,
sa kung paanong nginitian mo ako
at tinanong kung saan ako nakatira
hindi mo nga pinansin, ang mga agiw sa dingding.

Someone Like ElmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon