24

2.4K 81 6
                                    

E

"Everything here?" I asked as I checked the things inside Rob's van.

"Yup. Okay na lahat dude." sabi ni Rob.

"Tara na?" anyaya ni Doms.

"Duh?! Kayo na lang kaya hinihintay! Napakabagal naman talaga oo." reklamo ni Kenth na nakadungaw mula sa last row ng upuan sa van. Natawa na lang kaming tatlo at sumakay na sa van. Nakapwesto sa pinakalikod si Kate at Kenth. Si Maqui at Julie naman ay magkatabi sa likod ng upuan ni Rob at kami ni Doms and nakapwesto sa shotgun seat.

"Hoy bakla bakit nakashades ka na eh gabi pa?" tanong ni Kate.

"Eh ba't nangingielam ka, Katerine? Ikaw ba nahihirapan?" sabi naman ni Kenth.

"Kala ata pagbaba ng van mataas na araw." ani Maqui at nagtawanan kami.

"Besh wag na makielam. Gagatong pa eh." ani Kenth kay Maqui.

We all decided to take Rob's car to Park n' Fly. Dun kasi ay may free shuttle na papuntang airport kung saan kami maghihintay ng flight namin going to Ilocos.

"Friend, di kaya ako magexcess baggage?" tanong ni Kenth pagdating sa Park n' Fly. Sa aming lahat kasi, siya lang ang nakamaleta.

"Sino ba kasi nagsabi sayong dalhin mo buong cabinet mo ha?" ani Maqui.

"Oo nga, vaks. Diba 3 days lang naman tayo dun?" sabi naman ni Julie.

"Aba mahirap na no! Buong buhay ko to. Di pwedeng iwan sa balur."

"Wag kang papatulong magbitbit niyan ha." banta ni Kate sa kanya.

"Ay girl wag ganun." aniya. Hinayaan na namin sila magtalo at naglakad na papunta sa waiting area ng shuttle. We loaded all our bags when the shuttle arrived saka na sumakay para magpahatid sa terminal 3.

"Saan ba tayo una?" tanong ni Maqui.

"Well, Elmo, Doms and I decided na mauna tayo sa windmill. Maganda ang view dun so maraming makukuhang magagandang shots si Elmo dun." sagot ni Rob.

"Friend, pang cover photo ha." sabi saken ni Kenth.

"Oo naman." tango ko.

"Ay! Winner ka talaga. Buti ka pa walang angal. Itong si Katerine puro angal ang alam akala mo naman ang gaganda ng shots."

"Subukan mong magpapicture saken mamaya diyan sa phone mo, malilintikan ka saken." sabi ni Kate sa kanya.

"Kasi naman vaks, lahat naman ng angle nagpapicture ka." sabi ni Maqui.

"Malamang, Frencheska. Collage ang gagawin eh. Malamang kailangan lahat ng angle meron."

"Collage talaga, Kenth?" pigil-tawa namang sabi ni Julie.

"Friend inaalipusta ako nitong ate girl mo oh. Wag mo na nga to ligawan!" sumbong ni Kenth saken.

"Hahaha. Di bale Kenth. Yung isang memory card ng camera ni Elmo nakapangalan na sayo. Hahahaha!" hagalpak naman ni Doms.

"Ay weh?! Gusto ko yan. Unahin mo na sila picturan tapos ihuli mo ko para feel na feel. Tsaka siyempre alam mo na kailangan ko pa magchange outfit para di boring yung suot ko sa pictures."

"Actually, I like taking candid shots." sabi ko. "So you guys just have fun. Kunyari walang camera. Basta enjoy lang kayo and I'll do the rest."

"Arte!" ani Kenth at nagtawanan lahat.

We arrived 2 hours earlier for our flight to Ilocos. Nakapag-check in na kami ng mga gamit at naghihintay na lang ng tawag sa gate. Ang flight namin is 4am so we still have 2 boring hours to wait.

Someone Like ElmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon