27

2.4K 79 4
                                    

J

Day 8:

Calle Crisologo was declared one of the world's historical heritage.
You are my own heritage.
Let's make our own history.

E.

"Friend, try mo naman tignan yung ibang bagay. Lagi na lang yan oh." ani Kenth. Napatingin ako sa kanilang tatlo and they were all just staring back at me.

Nasa beach na kami since this morning at abala na ang boys magpaapoy para sa iihawin namin for dinner. Kaming apat naman ay nagkkwentuhan lang sa labas ng tent.

"Nainggit nanaman po si vaks. Di bale vaks papadalhan din kita everyday. Mga selfie mong nakakaumay." halakhak ni Kate.

"Baka sakaling maumay sa mukha niya kapag inaraw-araw mo, Kate. Hahahahaha!" hagalpak ni Maqui.

"Ay sorry. I look at myself in front of the mirror for an hour para lang magpaganda. Believe me mga mamang. Ikatutuwa ko pa yan." mataray na sambit ni Kenth.

"Ay juskolord bakit ba kami nagkaron ng kaibigan na ganito?!" ani Kate sabay pasok sa tent. "Lord why have you forsaken us?"

"Ang arte mo, Katerine. Sila Maqui at Julie nga di nagreklamo sa 8 years of friendship namin. Diba mga vaks?" ngiti ni Kenth. Tinitigan lang namin siya ni Maqui at kumunot naman ang noo niya. "Ay grabe sila!"

"Hahahahahahahaha! Itsura mo bakla!" halakhak ni Maqui.

"Grabe naman kayo saken. Ganyan na ba pag may pag-ibig?"

"Hoy si Julie lang yun. Dinamay mo nanaman a--" pinisil ni Kenth ang labi ni Maqui saka niya ito pinanlakihan ng mata. Natawa naman kami ni Kate dahil dun.

"Hep! Wag ka na magpakamangmang diyan. We know, Frencheska. We know." aniya. Hinampas siya ni Maqui at tinanggal naman niya ang pagkakapisil sa lips nito.

"Eh wala nga kasi. Bakit ba ang kulit niyo?"

"Obvious kasi, Maq." ani Kate. "You guys sneak around na para kayong mga highschool diyan."

"No we don't!"

"Come on, Maq. We've talked about this diba?" sabi ko. Maqui glanced at the 3 boys saka nagbalik ng tingin sa amin.

"Hindi naman kasi talaga. We're just friends."

"Showbiz ampota..." ani Kenth saka siya binatukan ni Maqui. "Girl, kanina ka pa ha! Lulunurin na kita!"

"Wala nga kasing something okay?"

"Eh bakit everytime he's near you eh parang di ka makahinga diyan aber?" ani Kate. "We've been watching you guys since we were in Manila. Iba kaya kilos niyo after natin nun sa Zambales."

"Sabi ko nga Maq, I'd love to have you as my cousin-in-law. Kaya you don't have to keep it a secret. Para san pa yung friendship natin kung magtatago ka diba?" sabi ko. Humugot siya ng malalim na hininga saka sumimangot.

"Fine. Nanliligaw siya. Okay na ba?"

"Jusko ang corny naman nanliligaw pa lang eh kung umasta kala mo ikakasal na any moment." reklamo ni Kenth. Piningot niya sa tenga si Maqui at napahiyaw naman to. "Dami-dami mong hanash Frencheska eh kung kanina mo pa inamin edi natuwa pa ko sayo."

"Aray ko naman! Kenneth!" hiyaw ni Maqui sabay hampas kay Kenth. "Kanina ka pang bakla ka kakaltukan na kita!" aniya sabay dagan kay Kenth at nagwrestling na silang dalawa. Tawa naman kami nang tawa ni Kate habang vinivideohan namin sila.

"Ito tatalo kay Baron at Matos, Jules!" ani Kate at nag-apir pa kami.

"Hey what's going on there?" tanong nina Elmo saka lumapit sa amin.

Someone Like ElmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon