J
Nagising ako sa paulit-ulit na tunog ng doorbell ko. I got up from bed at antok na naglakad papunta sa main door to see who it is. Aga-aga istorbo naman. I peeked through the peephole and saw a guy standing with paperbags in hand. Binuksan ko yun and saw Elmo beaming at me.
"H-how..."
"Asked the guard about your unit." he said and gave me the paperbag full of food.
"Ang aga naman niyan..." hikab ko.
"Di naman sobrang aga. Just enough para makapagbreakfast ka and makaprepare for work." aniya. "Told you I'm gonna bring you to work diba?"
"Di ka na sana nag-abala." sabi ko saka na siya pinapasok ng tuluyan. "I can call an uber driver naman eh."
"Gagastos ka pa. Saken free na may breakfast pa." kindat niya. Inirapan ko na lang siya saka nagdiretso sa kitchen para ayusin yung dala niyang pagkain.
May container na ang laman ay pancakes, then meron slices of ham and cheese, then may scrambled eggs with tomato and onions and 2 cups of coffee from Starbucks. Sa coffee cup na isa ay may nakadikit na photo. Tinignan ko yun and saw myself eating ramen. Obvious na kagabi shot to. Tinignan ko siya from the kitchen at hindi naman siya nakatingin saken dahil abala siyang pagmasdan ang mga portrait na nakadisplay sa coffee table ko. Napailing na lang ako and turned the photo over and found another letter.
Day 2:
Some guys like their women fit and sexy. But I like mine to be well-fed and happy. And I do hope I made that girl satisfied last night. Good morning, beautiful! 😊
E.
"Elmo, kain na tayo." I called him.
"Yeah. Wait lang." he replied. Kumunot ang noo ko saka siya pinuntahan sa sala. He was staring at a certain photo at kita mong nagtataka talaga siya sa kuhang iyon.
"Bakit?" I asked.
"I was just wondering. Naaalala ko kasi tong shot na to. Ako ba kumuha nito or something?" he asked. Natawa ko saka napatango.
"Yup. You took that one during our graduation." sagot ko.
"Ah. Tama. Yan yung tinatawag ni Kenth nun na ano nga yun?"
"Squad goals daw." sabi ko. Natawa siya at napatango.
"Right. Yun nga."
"Halika na. Kain na tayo." anyaya ko saka na siya hinatak papunta sa kitchen. "Thank you sa breakfast ha? I was planning to buy food na lang once I arrive at the office pero since nagdala ka na, di na ko bibili."
"It's unhealthy kapag kain ka nang kain ng fastfood. Dapat laging homemade." sabi niya habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato. "Pag fastfood walang love yun."
"So pag homemade meron?" pabirong tanong ko.
"Oo naman lalo na pag ako nagprepare." sabi niya. Inirapan ko na lang siya and ate my breakfast. "Do you always have to look that beautiful in the morning?" he asked making me blush.
"Nakakaasar yung pagkarandom ng question mo." sabi ko at padabog na nilagay ang pancake sa plato niya. He chuckled sabay tingin pa saken.
"Seryoso ako. I mean, pag nagigising ka ba laging ganyan ka kaganda? Kasi ako honestly everytime I wake up I look hideous. As in barubal yung mukha. Pero ikaw... Wow."
"Ganyan ka ba talaga kabolero in the morning? I don't remember you throwing corny and cheesy lines at me nung panahong tayo pa."
"That's because banats are not a hit back then." aniya.