36

2.2K 80 11
                                    

E

"So ano? Wala pang balak?" Dave asked me. We were all in Batangas to shoot for JR and Marti's prenup.

"Wala pa dude."

"Eh kailan mo yayayain pare? Pag buntis na?" tanong naman ni JR.

"Hoy ikaw. Photoshoot mo lang. Manahimik ka." sabi ko at natawa naman sila. "Tsaka hindi ko naman hahayaan na mauna ang bata bago kami ikasal. Gusto ko lang kasi na kapag niyaya ko siya yung wala na siyang ibang iniisip. Wala na siyang stress at problema. Kasi alam niyo yun? Baka kasi humindi siya. Lalo na ngayon na lumalala na si Lolo Jordan. Ayoko naman na isabay tong pagpapakasal sa problema nila."

"Kung sabagay. Mas okay din yung wala na nga siyang iniisip na problema. Ano na bang nangyari sa lolo niya?" tanong ni Dave.

"Malala na talaga eh. Yung pneumonia ni lolo di na kaya sa gamot. The doctor gave them 3 months maximum for lolo's life." sagot ko. "Birthday nga ni lolo bukas eh."

"Well atleast they still have 3 months diba? Kaysa wala na." ani JR. Tumango na lang ako and we went on with the shoot.

Hapon na kami natapos at agad akong nagpaalam sa kanila na mauuna na umuwi. Nagbabalak pa kasi silang magdinner bago umuwi pero di na ko sumama dahil tutulong pa ko kanila Julie sa preparations sa birthday ni lolo.

When I arrived at their house ay nadatnan kong abala na sila sa pag-aayos ng giveaways. They were all miniature airplanes dahil mga collection ni lolo ang ganun. Nagtatalo si Kenth at Maqui sa chicken na inorder nila habang si Rob at Bran ay abala sa pagprint ng mga tags para sa giveaways. Si Julie, Kiana at Francine naman ay abalang mag-usap tungkol sa ibebake nilang cake para kay lolo.

"Oh. Last batch na ng giveaways to." sabi ni Clarence na may bitbit na box na puno ng model airplanes. "Uy Elmo. Ikaw na pala yan."

"Uy dude!" ani Rob at Bran sabay apir saken.

"Kumain ka na ba? Nag-order na lang kami ng food eh. I think may pizza pa dun." ani Bran.

"Goodluck kung may natira pa si Kenth." bulong naman ni Rob sabay tawa. Tumango na ko saka lumapit kanila Julie.

"Hey..." bati ko sabay halik sa pisngi niya.

"Ang aga mo? I thought you're in Batangas for JR's prenup?"

"Yeah. Galing na ko dun. Maaga kasi kaming natapos so I decided to come here already. Andun naman si Dave."

"You always leave all the work to Dave." aniya.

"Hindi naman." sabi ko saka siya inakbayan. "Tapos na talaga kami promise. Nagyayaya nga sila magdinner kaso I told them I'll cone here and help with the preparations." sabi ko.

"Talaga lang ha?" aniya. Tumango ako and even smiled at her. "Wait. Kumain ka na ba? Kenth finished the pizza. Ipagluluto kita."

"Wow. Pag kami order na lang. Pag si Elmo lulutuan." reklamo ni Kenth.

"Bakla wala kang karapatang magreklamo dahil wala kang jowa at kaibigan ka lang." sabi naman ni Maqui.

"Ganyan ka na magsalita porket may jowa ka din?!"

"Don't worry, Kenth. Hahanapan kita." ani Kiana and even winked at him.

"Ay talaga?!" ani Kenth sabay ngiti. "Uy friend, okay lang kahit blue eyes tapos pak na pak sa abs ha?"

"Abs? A big stomach? Hahahahahaha!" hagalpak ni Maqui. Kenth flashed her his middle finger and everyone laughed. Nagulat naman ako nang hatakin ako ni Julie papunta sa kitchen nila.

"Anong gusto mong pagkain?" she asked. I hugged her saka ako nag-isip ng kakainin. She's very good at cooking. At lahat ng niluluto niya ay paborito ko. "Moe, anong kakainin mo?"

Someone Like ElmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon