E
"Hey..." I said as I sat down next to her. Nakatulala lang siya at hindi kumikibo.
Rob got a call from his mom saying that Lolo Jordan was rushed to the hospital. Ilang araw na daw kasing nilalagnat. And the worst part is, hindi na nagsasalita si lolo. He can still make sounds but it's hard to understand. Sabi ng doctor kanina, ganun daw talaga kapag may dementia ang isang tao. There will come a time that he will soon forget who he is, his family and even the things he usually does. And in his case, mas mabilis itong lumalala dahil na rin sa katandaan niya.
"What if he doesn't wake up anymore?" aniya.
"He'll wake up soon. The doctors said his condition is now stable." sabi ko.
"Pero..."
"You don't have to worry. Rob's a doctor and he knows what these doctors are saying. Sabi nila kaya lang daw nilagnat si lolo kasi matagal na siyang sinisipon pero ayaw niyang uminom and hindi na din siya nakakakain ng maayos."
"Guys..." napalingon kami ni Julie nang tawagin kami ni Rob. "Lolo's up."
"Really?!" ani Julie sabay takbo papasok sa kwarto ni lolo. Sumunod na kami ni Rob sa kanya at naupo na lang sa may couch habang siya naman ay nasa tabi ni Lolo Jordan.
"Sabi ng mga doctor kailangan maoperahan si lolo." ani Rob.
"Ha? Bakit?" alalang tanong ko. "Kakayanin pa ba niya?"
"They have to operate him to attach a feeding tube in his stomach. Since hindi na kasi siya kumakain, kailangan na idaan sa tube yung pagkain niya."
"Di ba at risk yung buhay niya kapag inoperahan siya?" tanong ko.
"Wala pa namang narerecord na may namatay sa paglalagay ng feeding tube. And we only have this choice. Kung gusto namin mabuhay pa si lolo ng matagal, kailangan gawin yun."
"Pano pag di pumayag si Julie?"
"Wala siyang magagawa, Elmo. This is for the best." sabi niya. Napasinghap na lang ako at pinagmasdan si Julie habang kinakausap si lolo.
"Kailan daw gagawin yung procedure?"
"Tonight." aniya. Marahan akong tumango saka sumandal. I've known Lolo Jordan since Julie and I are in college. Nung naging kami, madalas kong pinupuntahan si lolo para makipaglaro ng chess o kaya naman para makipagkwentuhan. Mabait si lolo. I admire him for raising Julie to be a good woman. Saludo ako sa pagiging nanay at tatay niya para sa apo niya at sa pagmamahal niya sa pamilya niya. Kaya ngayong nakikita ko siyang nagkakaganito ay nasasaktan din ako. Tinuring na rin niya kong pamilya niya kaya masakit ang makita siyang nahihirapan.
"Iiwan ko muna kayo. Bibili lang ako ng pagkain natin." ani Rob sabay tapik sa balikat ko. Tumango na ako at hinayaan na siyang lumabas ng kwarto.
Lumapit ako kanila Julie saka siya hinawakan sa balikat. Lumingon siya sa akin saglit at nagbalik ng tingin kay lolo.
"Lo, magpagaling ka na ha? Maglalaro pa tayo ng chess." sabi ko saka hinawakan ang kamay ni lolo.
"Hmm..." tanging sambit niya.
"Lolo, si Elmo yan. Naalala mo ba?" ani Julie. Tumingin naman sa akin si lolo saka pa tumango.
"Syempre di ako makakalimutan ni lolo. Ako kaya pinakagwapong lalaking nakilala niya. Diba, lo?" biro ko. Natawa si Julie saka pa ko kinurot sa tagiliran.
"Wag kang masyadong feeling." aniya. "Asan si Rob?"
"Bumili ng pagkain." sagot ko. "Lolo's gonna be fine."
