15

2.1K 84 4
                                    

A/N:

Poem by: yours truly
Title: Ayaw Mo Na

*****

J

Day 424:

You will never read this letter. I won't give it to you because I want you to know that I'm serious with what I said in my last entry. But let me tell you, Elmo. Forgetting you will be the hardest thing that I'll do. Because I know that no matter how long it takes, you will always be my one great love. And so I wrote this poem just to remind myself that it still hurts and I still want to fight even though there's nothing left to fight for.

Ayaw Mo Na

Sanay akong marinig ang salitang "ayoko na"
Sanay akong marinig yun dahil iyon ang madalas mong sinasabi kapag may ayaw ka na
Kapag busog ka na pero marami pang laman ang plato mo sasabihin mo sa akin na "ayoko na"
Kapag umiinom tayo at nakaramdam ka na ng hilo sasabihin mo sa tanggero na "ayoko na"
Sa tuwing kinikiliti kita at hindi ka na makahinga sa sobrang pagtawa pipigilan mo na ako at sasabihan ng "tama na ayoko na"
Sa tuwing nag-aaway tayo at hindi mo na kayang magalit sasabihin mo sa akin ng "ayoko na"
Sa tuwing bumibili ka ng bagong gamit at tinanong kita kung bakit mo ito bibilhin samantalang meron ka ng ganun idadahilan mo sa akin ang mga salitang "ayoko na"
Sa sobrang dalas ko na ngang marinig iyon mula sa mga labi mo ay hindi na ako nagulat nang sumuko ka sa akin at sabihin mo sa aking "ayoko na"
Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap ay ayaw mo na
May nagawa ba akong hindi maganda?
May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?
Ano ba ang ayaw mo?
Ayaw mo ba sa mga ginagawa ko para sayo? O nagsawa ka na kagaya ng pagsasawa mo sa mga simpleng bagay?
Hindi na nga naman nakakapagtaka
Sapatos nga inaayawan mo kapag nakailang suot ka na. Ako pa kaya?
Damit nga pinapalitan mo kapag nakadalawang beses na suot ka na. Ako pa kaya?
Pagkain nga nauumay ka kaagad. Ako pa kaya?
Sa sobrang dalas mong sabihin ang mga katagang "ayoko na" hindi na ako nagtaka pa nang sabihan mo ako ng "mahal, tama na. Ayoko na."
Hindi ko naintindihan iyon sa una pero hinayaan kita
Sinabi ko sayo ang mga salitang "sige ikaw ang bahala"
Hinayaan kita na maging masaya
Pinakawalan kita kahit ayaw ko pa
Pinalaya kita kahit alam kong pwede pa
Pero mahal, masakit pala.
Dahil sa oras ng pagtalikod mo ay siyang buhos ng mga luha ko
Masakit pala kapag sa akin mo na sinabi na ayaw mo na
Masakit pala kapag sa akin mo pinaramdam na sawa ka na
Masakit pala na sa akin mo pinakita na sumusuko ka na
At masakit pala dahil ako ang rason kung bakit ayaw mo na
Hindi rin naman kita masisisi
Hindi ko rin naman kayang magalit sayo
Alam ko kasi sa sarili kong may mga pagkakamali rin ako
May mga pagkukulang
Hindi naman kasi ako perpekto
Pero sinubukan kong maging perpekto para sayo
Doon ko lang napag-isipan na baka kaya sumuko ka dahil naging perpekto ako
Sinanay kasi kita
Sinanay kita na maging maluho sa mga bagay dito sa mundo
Sinanay kasi kita na sa tuwing magdedesisyon tayo ikaw palagi ang nasusunod
Sinanay kasi kita na kapag sinabi mong ayaw mo na, ayaw mo na
Kaya nung sinabihan mo ko na ayaw mo na, hinayaan na lang kita
Pero mahal, aaminin ko sayo, gusto ko pa

It was the last letter I wrote for him. Hindi ko ito sinama sa journal. It was written on a separate piece of paper and was hidden on a secret hiding place that even Maq, doesn't know about. Ngayon na mag-isa lang ako sa condo, I had the chance to read it again. And yes, this is still how I feel towards him. Gusto ko pa rin pero ayoko na dahil may iba na. At lalong hindi na talaga pwede dahil ikakasal na siya.

Someone Like ElmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon