45

2K 74 1
                                    

Julie

Maq:

Can't make it today, J. Rob and I are off to Zambales for a medical mission. Love you! 😘

Ito ang message na bumungad saken one Saturday morning. Maqui and I are supposed to have our quality time na kaming dalawa lang talaga. Dahil for the first time in many years of our friendship, ngayon na lang uli kami magkakaron ng free time sa isa't isa.

"Nakakatampo naman tong babaeng to." sabi ko sa sarili ko. "She promised me last night tas biglang on the last minute iiwan ako? Wow Maq. Bestfriends forever?"

I decided to check on Kenneth since alam kong andito siya sa Manila to accompany his dad at a meeting. For sure si bakla free yan.

"Yes girlaloo?" he greeted after the second ring.

"Vaks, san ka?" I asked.

"Bahay lang girl why?" nagliwanag ang mukha ko when I hear his reply. Nasa bahay lang siya. So I can have him for myself today?

"Samahan mo ko dali. Spa tayo treat ko." sabi ko. When it comes to Kenneth, kahit mas makapal ang wallet niya sa akin, kailangan ko pa rin siyang ibribe para lang samahan niya ko.

"What time?"

"What time ka ba pwede?"

"Ay nako bessy. Dad and I will be at Solaire later this afternoon. We'll have a meeting with his business partner kasi." aniya. Napanguso naman ako sa sinabi niya.

"Ano ba yan. Kala ko ba bahay ka lang?"

"Well ngayon nasa bahay ako getting ready for the meeting."

"Ano ba yan..."

"Si Maq? Akala ko ba kayong dalawa may date ngayon?" aniya.

"Psh. Di siya pwede dahil kinidnap siya ng pinsan ko papuntang Zambales." inis na sagot ko.

"Si Kate baka pwede yun. Kanina kasi nagtext yun eh. Nagyayaya mag gym." suggest niya. "Sorry talaga. I want to come with you kasi I really need to spend time sa spa din pero wala eh. Dad and I have our appointment by 1:30."

"Sige sige. I'll call Kate na lang." sabi ko.

"Okay. Sorry, bessy. Love you!"

"Yeah whatever." sabi ko and ended the call. Hinanap ko ang number ni Kate sa contacts ko and heaved a deep sigh before I dialled her number.

It took atleast 5 rings before she finally answered her phone.

"Wow naman tagal sumagot ha." sabi ko.

"Hahaha. Sorry, Jules. Napatawag ka?" she asked. Rinig ko sa kabilang linya ang pagnguya niya and the shuffling of a bag of chips.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Rocco's here. Dakilang babysitter nanaman ako. Why?" pagkarinig pa lang nun ay nalungkot na agad ako. Obviously, di ko siya pwedeng yayain gumala dahil nagbabantay siya sa pamangkin niya.

"Wala. Yayain sana kita eh. Maqui ditched me tas si Kenth naman kasama ng dad niya sa meeting." sabi ko.

"Aww. Sorry, Jules. Gusto mo punta ka na lang dito?" aniya.

"Di na. For sure masstress ka na kay Rocco di na ko dadagdag. Hahaha."

"Try mo kaya si Doms?" aniya.

"Nope. He told me yesterday na may lakad sila ng kapatid niya eh. So for sure di yun pwede."

"Aww. Sorry talaga Jules. Bawi ako next time promise." sabi niya.

Someone Like ElmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon