E
"I think it's just right to let him work abroad. I mean, sayang din kasi yung opportunity diba?" I said. Nasa condo kami nun and Julie just told me that Clarence decided to work abroad. Sabi daw ni Clarence sa kanya, dahil wala naman na si lolo at masyado ng madaming naitulong ang pamilya nila sa kanya, it's his way of giving back to them. Yung magttrabaho siya sa ibang bansa at susundin ang mga pangarap niya. It was what lolo told him a few years ago. Nung nga panahong malakas pa ito at bago pa lang sa trabaho si Clarence.
"Oo nga eh. Sabi ko din sa kanya that lolo will be happy to see him do what he really wants. Sayang din naman pinag-aralan niya kung di na niya itutuloy dahil lang wala na si lolo para maalagaan niya." she said. Tumango ako saka umupo sa couch. She sat beside me and rested her head on my shoulder.
"Namimiss mo?" I asked.
"Everyday. It's like I lost my parents again." aniya. "But this time, wala na si lolo to sing for me whenever I feel lonely."
Inakbayan ko siya and kissed the top of her head. She squeezed my knee saka ko pa narinig ang pagsinghap niya.
"I'm here. Let me ease the pain." I said.
"Alam mo mabuti na lang may spare key ka dito, Frencheska. Malay mo mahuli natin silang nagddo. Edi bongga!" nagulat silang apat nang pagbukas nila sa front door ay nandun kami ni Julie at nakaupo lang sa couch. Agad na sinapak ni Kate si Kenth at napangiwi naman ang huli.
"Yang bunganga mo madalas pahamak eh." iritang sabi naman ni Maqui.
"Wow anak ni Lord? Sorry ha!" sabi naman ni Kenth.
"Uy dude. Kamusta?" bati ni Doms sabay lapit sa amin at nakipag-apir pa sa aming dalawa ni Julie.
"Ayos lang." sagot ko. Umupo na silang lahat sa couch at in-on naman agad ni Kenth ang tv.
"Ba't andito kayo?" pagtataka naman ni Julie. Agad na ini-off ni Kenth ang tv at sabay-sabay silang tumayo. Akmang lalabas na uli sila nang tawagin sila ni Julie. "Hoy!"
They all stopped at sabay-sabay na tumingin sa amin. Natatawa na ako but I let Julie do the talking.
"San kayo pupunta?" she asked.
"Ang gulo mo girl. Yung tataa?!" ani Kenth.
"Ha?"
"Kanina nagtatanong ka kung bakit andito kami. Grabe ka sa pagkahospitable mo friend! Tapos ngayon naman tatanungin mo kami kung saan kami pupunta? Inaano ka ba!" pagddrama ni Kenth. Natawa na kaming lahat saka na sila nagsibalik sa pwesto nila.
"Gago namiss ko kayo!" sabi niya saka pa sila isa-isang niyakap. She stayed long in Maqui's arms at hinayaan ko lang naman. They've been bestfriends since they were kids. Ano bang laban ko dun?
"I missed you too, J." Maqui said.
"Dapat lang! You've been spending a lot of time with my cousin tapos akong bestfriend mo ni hindi mo man lang ako mabisita!"
"Rob needs comforting too. Namatayan din kaya siya." depensa ni Maqui.
"Woooh! Lelang mo, Frencheska. Ibang comfort naman yan!" banat ni Kenth.
"Hahahaha. Ano ka ba vaks. Kailangan yun no." sabi naman ni Kate.
"Hoy manahimik nga kayo." sabi naman ni Maqui sa kanila.
"Pero totoo naman sinasabi nila. Iba naman needs ng pinsan ko saken. Hoy, Marie Frencheska Mae, nauna ako sa buhay mo bago yung pinsan kong ugok ha. Ako dapat priority mo!" sabi naman ni Julie.
"Wow naman J! Buong buhay ko naman inalay ko na sayo. Kaw naman ngayon lang kinilig oh?" sagot ni Maqui.
"Kahit na." ani Julie saka muling yumakap sa bestfriend. "I'm your bestfriend. And you know I'm a jealous bestfriend."
![](https://img.wattpad.com/cover/74710357-288-k506824.jpg)