18

2.2K 89 1
                                    

A/N:

#SLEDerpHerp


*****


E

"So wala ng wedding huh?" ani Dave.

"Well wala naman kasi talaga dapat eh. Siya tong baliw diyan na nagpropose eh." sabi naman ni Matthew. Tumango si Dave and drank his beer.

"Atleast he called it off before he even got tied up." Rich commented.

"Oo nga." sabi ni JR. "Alam mo dude, you should've known from the start naman na talaga na ayaw sayo ng tatay ni Liz eh. I mean, pare naman. Lahat na nga ng gusto niya nasunod mo pero anong sinukli sayo? Wala. Puro na lang pangmamata."

"Yun nga. I got fed up already. I don't deserve that kind of treatment." sabi ko.

"And you have to admit dude, you were still in love with Julie. You just liked Liz." ani Sheldon.

"Pucha. Apat na taon nagtiis si gago. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" hagalpak ni Dave. Nag-apir pa sila habang tinatawanan ako.

"Oo na ako na gago." sabi ko. "Pero this time, seryoso na talaga ako. I want to fix everything between Julie and me. Gusto ko na uli siyang makasama."

"Sus yun lang pala. You know we got your back, brother." ani Rich. Napangiti ako as each one of them nods in agreement.

"Pero may problema pala." ani Matthew.

"Ano?" they all asked.

"Well, I have to give them the money they spent on the preparations." sabi ko. "Also, I'm not sure what Tito Ed is willing to do to me. Ngayon pang brokenhearted ang bunso niya."

"Patay tayo diyan." iling ni Dave. Suminghap na lang ako as we fell silent.

After we had lunch at Sheldon's ay nagdrive na ako pauwi. Hindi ko muna kukulitin si Julie ngayon. Baka kasi imbes na payagan niya kong suyuin siya uli eh lalo lang akong iwasan. I'll just give her enough time para makapag-isip pa ng maayos. Ngayon, makikipagbonding muna ako sa pamangkin ko before they leave for Singapore.

"Oh ayan na pala si Elmo." I heard mom when I entered the house.

"Bakit ma?" I asked her sabay halik sa pisngi niya.

"Eh nagtext ako sayo. Sabi ko bilisan mo ang uwi mo kasi may appointment kami sa spa ng ate mo. Baka andun na si Julie at naghihintay, nakakahiya."

"Wait. Bakit kasama si Julie?" pagtataka ko.

"I invited her, Moe. Diba sabi mo ilang araw siya nagbantay sa hospital dahil sa lolo niya? Kaya sabi ko ittreat ko siya para naman matanggal yung stress niya sa katawan." ani Ate Iara.

"Seriously?" I asked. Tumango na lang sila ni mom as they kissed my cheek.

"Take care of my baby okay? Wag mo aawayin, Elmo. Matakot ka sa kuya mo." sabi ni Ate Iara before she finally closes the door. Napailing na lang ako saka na nagtungo sa kwarto nila only to find Theo sleeping. Tinignan ko ang watch ko at nakitang nap time na nga ng inaanak ko. Naisipan kong magshower na lang muna at manood na lang ng series habang natutulog pa si Theo. Mamaya pa naman magigising yan. He's a heavy sleeper. Yan ata namana niya kay Kuya Eli. Tipong nagkakagiyera na sa labas, mahimbing pa rin tulog nila.

After I showered and dressed into my pambahay ay nagtungo na ako sa tv room. I plugged in the external drive and started watching a series I have forgotten to watch.

"Anak, may meryenda sa kusina. Kung magutom kayo ni Theo kumain na lang kayo dun ha?" ani Yaya Ana.

"San punta mo, ya?" pagtataka ko. Nakabihis kasi siya at may dala pang bag.

Someone Like ElmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon