J
"Woooooh!!!" sabay-sabay na hiyawan nina Maqui, Kenth at Kate nang umandar na ang jeep ni Mang Benny. Nalaman namin na isa si Mang Benny sa mga nagmamaneho ng mga ganito sa sand dunes kaya naman naexcite kami lalo dahil isa na iyon sa mga pupuntahan namin.
"Sir, text niyo na lang po ako kung magpapasundo na po kayo."
"Sige po Mang Benny. Salamat po." ani Elmo. Pumasok na kami sa hotel at agad naman kaming inasikaso ng mga andun. Once we were inside our rooms ay sabay-sabay kaming nahiga sa kama. Nasa kabilang rooms sina Elmo, Rob at Doms at kami naman ang nandito sa isa pang room. Magkatapat ang mga kwarto namin kaya di kami mahihirapan na magkakitaan.
"Ayoko kumain. Gusto kong matulog." hikab na sabi ni Kate saka pa niyakap ang unan at pumikit. "Please mamaya na tayo maglaboy mahabag kayo saken."
"Sige lang. We all need to rest din naman eh." sabi ko.
"Katerine, himbingan mo na. Baka may chance ka pa tumangkad." asar ni Kenth habang hinehele-hele pa kunyari si Kate.
"Katok ka naman bago ka magsalita bakla." ani Kate at hinampas pa si Kenth. "Shhh. Sleep."
Humiga na rin ako sa kama at tumabi naman si Maqui sa akin.
"Hoy." aniya.
"Hm?"
"Kayo na ba uli?" tanong niya. Dumilat ako saka natawa sa tanong niya. "Wag mo kong tawanan. Alam ko yang mga ganyan eh. Ano? Umamin ka!"
"Itong payatot na to napakaingay!" reklamo ni Kenth. Binato lang naman siya ni Maqui ng unan at minura pa.
"Tinatanong kita, Julie Anne." sabi niya pa.
"Hindi pa, Frencheska." sabi ko. "Ikaw naman ang unang makakaalam kapag binalikan ko na siya." sabi ko.
"Siguraduhin mo lang. Papamulto kita sa magulang mo sige." aniya. Sinimangutan ko siya at natawa na siya. Akala ko di na tatawa tong bestfriend kong to eh. "Joke lang, J. Baka ako pa multuhin nila tita. Kurutin pa pwet ko."
"Buti alam mo." sabi ko.
"You know I'm just looking after you diba?"
"Alam ko naman yun. Kaya nga ginagawa ko mga sinasabi mo diba? I'm being cautious with my actions. Sadyang may times na hindi ko mapigilan yung sarili ko. You know I love him."
"I know. Di rin naman kita pipigilan sa mga ginagawa mo. Gusto ko lang mag-ingat ka. Once was a warning. Sana itong pangalawa alam mo na mga dapat gawin." sabi niya.
"Opo, inay bestfriend." sagot ko naman. Piningot niya ang ilong ko at nagtawanan kaming dalawa.
"Pahug nga ako. Sobrang busy mo na kay Emo di mo na ko kinakausap." malambing na sambit niya. Umusog naman ako palapit sa kanya saka pa siya niyakap.
"Ikaw nga busy din sa pinsan ko eh." sabi ko dahilan para manlaki ang mata niya. She looked so guilty and I can't help but to laugh at her. "Maq, Kenth and I know already. You don't have to hide it."
"Hide what?! Imbento." irap niya.
"Deny mo pa. Halata ka kaya. Everytime we say his name nag-iiba aura mo. Nung nakaconfine si lolo and Elmo came to visit. Sino nagpakalma sayo? Si Rob. Nung niyaya kayo ni Elmo about this trip, kaninong pangalan ang binanggit para pumayag ka? Kay Rob. Kanina lang sa airport sa Manila. When Rob and Kenth went to eat, nagpasimple kang tumingin sa kanya tapos sumunod ka. Kala mo ba di ko halata? Hay nako Maq. Kilala kita at kilala ko pinsan ko."
"We're just friends." defensive na sabi niya.
"Wow naman, Maq. Sa haba ng sinabi ko yan lang talaga depensa mo?" asar ko sa kanya.
