20

2.4K 98 12
                                    

E

Julie:

Office na. Thanks for the flowers. ☺️

Napangisi ako when I read her message. Mission accomplished, Elmo.

Me:

You're always welcome. Did you see the envelope?

Julie:

Yes.

Me:

And?

Julie:

Matagal pang mangyayari yun. Di ka pa naman nanliligaw diba?

"Yes!!" sigaw ko dahilan para mapatingin sina Dave, Alex at Franky sa akin.

"Dude you okay?" tanong ni Franky.

"Sobra pa sa okay, dude." ngisi ko. Napalingon ako kay Dave at natawa naman agad siya.

"Ah pucha gets ko na. Tangina mo pare. Ikaw na talaga!" aniya.

"Gago." sabi ko na lang.

"Hindi na ba talaga kayo magiging okay ni Liz?" Alex asked. Sa kanilang tatlo, si Alex ang hindi masyadong nakakasabay sa amin. Kaya madalas, huli siya sa balita.

"Lex, alam mo naman reason why Elmo called off the wedding diba?" sabi ni Franky.

"Eh baka kasi misunderstanding lang." aniya.

"Nah. He suffered enough, Lex. Kahit naman siguro ako eh. Kung yung future father-in-law ko eh maliitin ako nako. I'd rather call off the wedding than get married and get mistreated all my life." Dave said.

"Sabagay." sang-ayon ni Alex. "Pero okay ka na, Moe?"

"Oo naman. Feeling ko nawala yung malaking nakadagan sa dibdib ko."

"Good. Ang importante naman lahat tayo masaya eh."

"Tama! Kaya dapat mamaya after work mag-inuman tayo. Let's celebrate Elmo's single life again." ani Franky. Tumawa kami at sumang-ayon sa kanya. We do need time to have fun.

I texted Julie in between work. Matagal siyang nagrereply at okay lang naman since I know how much she loves working. Sinubukan ko rin magconcentrate sa ginagawa ko for a certain project habang hindi pa oras ng uwian.

"Shit I am ready to get drunk!" ani Dave at nagstretch pa.

"Tara! San tayo?" tanong ni Franky.

"May alam akong rooftop bar sa may Makati. Gusto niyo dun?" tanong ni Alex.

"Pwede. Para maiba naman. Umay na umay na ko dito sa Quezon City." sabi ni Dave habang inaayos na ang gamit niya. "Hoy Elmo tara na."

"Wait. I'll just save this." sagot ko. Ini-off ko na ang computer ko after magsave at pagkatapos ay kinuha na ang bag ko.

Nagconvoy na lang kami papuntang Makati. Sabay si Alex at Franky since magpinsan naman sila at isang bahay lang ang inuuwian. Tag-isa naman kami ni Dave ng kotse.

Nakarating kami sa isang building dito sa Makati. It's an office building pero may rooftop bar siya sa taas. Mukhang newly opened lang siya dahil konti pa lang ang mga taong nagpupunta dun. Artsy din ang theme niya at hindi kagaya sa ibang bar na maingay. Dito, puro chill songs ang pinapatugtog.

"San mo nadiscover to?" tanong namin ni Dave kay Alex.

"Online lang. Lumabas sa feed ko then I checked it out. Mukha namang okay siya so yun."

Someone Like ElmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon