J
"Nagkita kayo ni Manang Ana?" tanong ni Maqui. "What for?"
"Eh sabi niya, dumating daw yung asawa ni Kuya Eli galing Singapore. Eh hindi pa pala alam ni Ate Iara na wala na kami kaya may mga pasalubong pa para saken. Ayun. Inabot ni manang kahapon." sabi ko. "Tsaka pinabigay ko na rin yung box sa kanya." dagdag ko.
"Ah. Buti naman. Pero nakakapagtaka, it's been 4 years pero bakit di alam ng asawa ni Kuya Eli na wala na kayo?" she asked. Nagkibit-balikat na lang ako saka na kumain ng lunch. "Wait. Baka naman may feelings pa sayo yung ex mo kaya di niya masabi na wala na kayo."
"Baliw." tawa ko.
"Uy wag kang cough syrup girl." ani Kenth.
"Ha?" sabay na sambit namin ni Maqui.
"Expectorant! Wag kang umasa. Wag kang hoping. Wag kang potassium!" aniya na parang ang tanga naming mga kausap niya.
"Gaga. Di na ko umaasa. It's been years, Kenth. Tapos na yung samen." sabi ko.
"Pero bakit may communication pa rin kayo ng yaya niya? Nakikibalita ka pa rin?" tanong nila.
"No. Si manang ang unang kumausap sa akin. Sabi niya, kay Elmo lang naman daw ako nakipaghiwalay. Hindi naman sa kanila. Tsaka madalang kami mag-usap. Nangangamusta lang naman siya madalas eh. Pero di na ko nagtatanong sa kanya about him. Ayoko na makichismis. He has his own life and I have mine." sagot ko. Marahan silang tumango na dalawa saka na kami nagpatuloy sa pagkain.
After namin kumain ay bumalik na kami sa office. Nagulat pa ko dahil andun ang kotse ni Rob sa may parking. Ano namang gagawin ng pinsan ko dito?
"Ay! Anditey si Rob my loves! Let's go mga mamang!" ani Kenth sabay hatak sa akin ni Maqui paakyat floor namin.
Pagpasok sa office ay naabutan namin si Rob na nakaupo sa desk ko at kumakain ng pizza kasama sina Kate at Doms.
"Juwie!" he cried, mouth still full.
"Heyya Wob. Anong ginagawa mo dito?" pagtataka ko sabay beso sa kanya and took a bite at his pizza.
"Pinuntahan ko si Ethan sa office niya. Alam mo naman. Bestfriends since kindergarten. Eh nalamang andito na ko kaya nagpapunta dun. Then naalala kong dito lang din pala office mo so here I am!" aniya. "Manggugulo lang. You let Kenneth stay here naman. Dapat si favorite cousin din diba?" aniya pa sabay ngisi ng nakakaloko.
"As if I have a choice. Tsaka okay na din yan para may extra runner kami." ngisi ko sa kanya.
"Ts. User as usual." sabi niya naman saka ginulo ang buhok ko.
"Whatever. Alis ka na nga sa desk ko. Stay on the couch. And no unnecessary noise okay?"
"Yeah whatever." he shrugged.
Naupo na siya sa couch katabi ni Kenth habang nagsimula naman na kaming bumalik sa trabaho. Sinilip ko sila at abala na silang dalawa manood ng movie sa phone ni Rob. Tawa sila nang tawa kaya sure na kong comedy nanaman yun. Siguro yung all-time favorite ni Rob yan na Get Hard. Si Maqui naman abala sa pagsagot sa calls. Sina Doms at Kate ay nakasubsob sa computer. Tinignan ko ang sarili kong computer at binuksan na ang email ng company. Maraming unread messages nanaman about different inquiries kaya inisa-isa ko na silang buksan at basahin. Nang natapos ko na lahat ay binuksan ko naman ang sarili kong email. Aside from spam messages ay wala naman ng messages na importante dun kaya nag log out na lang ako. Nag-angat ako ng tingin and saw my cousin and Kenth sleeping. Si Maqui nagkakape na. Si Kate may kausap sa phone at si Doms naman nakatulala sa desk niya. I checked my watch and saw that it's already 5pm. Ang bilis ng oras. Tinawag ko na si Maqui at napalingon naman siya saken.
![](https://img.wattpad.com/cover/74710357-288-k506824.jpg)