19

2.2K 96 6
                                    

J

"Style bulok." I heard Maqui said as Kenth drove out of Elmo's street.

"Ang cute nga eh. Ganyan din naman sila nung college pa tayo." sabi naman ni Kenth.

"Ikaw talagang bakla ka ang bilis mong makalimot. Porket pinakain ka ng masarap sa bahay nila, nawala na agad sa utak mong sinaktan niya tong bestfriend natin." ani Maqui.

"Mamang, hindi ko naman nakakalimutan yun. But there's this thing called moving on. And another thing called forgiving." aniya. "We both know that no matter how much he hurts our friend eh mahal pa rin siya nitong ate girl natin."

"Atleast make him suffer a little."

"Well he's suffered enough by asking that bitch of a girl to marry him. Dun niya naman talaga narealize na mali siya when he let Julie go diba?"

"Uhm... Andito lang ako sa likod. Baka nakakalimutan niyo." sabi ko. Sabay silang napatingin sa rearview mirror saka pa nagsalita si Kenth.

"Ay andiyan ka pala?! Akala ko kasi naiwan ka namin dun. Parang ayaw mo na kasi umuwi." he said. Inirapan ko siya at natawa lang naman siya.

"Hoy, J. Hindi kita pinagbabawalan sa pakikipag-usap sa kanya ha? Pero be wary of your actions."

"I know, Maq." sabi ko. "Hindi ko naman siya hahayaan na basta na lang magawa mga bagay na gusto niya. Honestly, kahit naman aminado akong mahal ko pa yung lokong yun eh ayoko naman magmukhang desperada. Hindi pa naman ako ganun kaneedy. Tsaka kakahiwalay lang nila ng girlfriend niya. Ayokong magmukhang naghahabol."

"Nililinaw ko lang." sabi ni Maqui.

"Sa totoo lang may kutob ako dun eh. Feeling ko hindi naman talaga niya love si girl. I mean, siguro nung una akala niya love niya pero when he saw Jules again, bumalik lahat sa kanya. Alam niyo yun?" sabi ni Kenth.

"Ayan ka nanaman sa movie references mo ha. Tigilan mo ko." ani Maqui.

"Hindi gaga! Totoo naman to eh. Naniniwala ba kayo na bawat isa saten may one great love? I mean, yung parang sinabi ni Doms before. Yung nangyari sa kuya niya. Pero may ibang cases pa kasi ng one great love eh. Yung hindi naging kayo in the end pero you still have feelings for each other. Gets niyo ba ko?" ani Kenth. Walang kumibo sa amin ni Maq at napairap na lang si Kenth. "Minsan na lang magseryoso di pa ko pakisamahan ng dalawang to. How could you?!" aniya.

"Gets ka namin, vaks. Pero it will always depend on the person. Mahal mo nga pero ayaw mo na ipaglaban kasi either pagod ka na o masyado ka ng nasaktan. Edi hanggang dun na lang talaga. Swerte lang talaga yung mga taong kahit anong dumating sa relationship nila eh pinaglalaban pa rin sila nung mga taong mahal nila."

"Wow, Bash. Hindi ka na ganun katigas?" asar ni Kenth at natawa naman ako. "Ay! Andyan pala ang tunay na Basha. Girl try mo naman kasi magshare ng insight. Para di kami nagugulat na nag-eexist ka pa pala sa mundo namin."

"Gago." irap ko.

Hinatid na nila ko sa condo at hinintay ko na silang mawala sa paningin ko bago ako pumasok sa building.

Pagpasok ko sa unit ko ay dun ko naramdam yung sakit ng katawan ko mula sa pagkakamassage sa akin sa spa kanina. Para akong nabugbog na ewan. I don't know how I got to my bed basta nagulat na lang ako nang marinig ko na ang alarm ng phone ko.

"Fuck umaga na." I said as I stop the alarm. Nakakita ako ng ilang texts at isa-isa ko na itong binasa. There was a text from Rob about lolo's condition. Okay na daw si lolo pero sobrang kulit na. Then another text from Kenth na nagyayaya magbreakfast bago pumasok sa office. And another from Elmo. Actually hindi lang isa yung text sa kanya eh. It was a series of texts na akala mo naman first time makatry magtype.

Someone Like ElmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon