J
Nagtatawanan kaming magkakaibigan dahil sa katangahan ni Kenth kanina sa bangka. Pano kasi, nagyayabang na kaya niya din yung ginagawa nina Rob at Doms na tumayo sa dulo ng bangka. Nung ginawa niya, ayun bumaligtad. Nahulog sa tubig. Eh ayaw pa naman niya maligo dahil papunta na kami sa rest house.
"Julie?" nagulat ako nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Napalibot ako ng tingin saka ako kinalabit ni Maqui at may tinuro sa bandang kaliwa namin. Nanlaki ang mata ko nang makita si Elmo dun.
Napahinto kami sa paglalakad and he took it as his chance to approach us. Agad na humarang sina Rob at Maqui sa harapan ko making him stop on his tracks.
"Nice to see you here." aniya saka tipid na ngumiti. Tumango lang naman sila habang ako naman ay di kumikibo sa gitna nilang lahat.
"What are you doing here?" tanong ni Maqui.
"Uh..."
"Are you stalking Julie?" tanong naman ni Kenth.
"No! Uhm... Ano kasi..." nagkamot siya ng ulo na parang iniisip kung paano niya sasagutin ang simpleng tanong na yun.
"Hon!" napalingon kaming lahat sa babaeng tumawag sa kanya. Nang makalapit ito ay nanlaki ang mata ko. It's her. The girl he chose over me. Napayuko ako saka napahawak sa kamay ni Maqui. Lumingon naman siya sa akin at para bang naintindihan na agad niya ang gusto kong mangyari.
"Aalis na kami, Elmo." ani Maqui.
"Sino sila, hon?" the girl asked. "Are you guys friends with Elmo? I'm Liz. I'm his fiancée."
"Nope. We're not friends. We just know each other because we were schoolmates before." sagot ni Maqui.
"Oh okay! Nice to meet you guys. Hon, balik na tayo dun. Dad's waiting for us."
"Sige sunod na ko." I heard him said.
"Okay!" sabi ni Liz. "Bye guys! Nice to meet you again."
Elmo cleared his throat the moment Liz was out of earshot.
"Julie, pwede ka ba makausap? Kahit saglit lang?" he asked.
"Ano ba pag-uusapan niyo? Are you gonna fuck my bestfriend's head again, Elmo?" ani Maqui.
"Hindi, Maq. I just... I just have something to tell her."
"Tell her now. You don't have to talk alone diba? Go. Speak."
"Uhm..." aniya. "Ano kasi... It's my brother's death anniversary 2 weeks from now and my mom wanted to invite her. Gusto lang siya makausap ni mommy."
"What for?" pagtataka ni Rob.
"I-I don't know. Pero you guys are all welcome naman. I know you don't trust me with her anymore kaya para lang di kayo mag-alala sa kanya, pwede kayo pumunta lahat. It's gonna be at Heaven's Gate Columbarium. Around 3pm."
"We'll think about it." sabi ni Maqui. "Yun lang ba?" she asked.
"Y-yeah. Uhm... Yun lang."
"Sige. Makakabalik ka na sa fiancée mo." she replied giving emphasis to the word fiancée. May sasabihin pa sana si Elmo nang bigla niyang itikom ang bibig niya saka na lang umalis. "May fiancée na pala ano pang inaarte niya diyan?"
"If I know, ate girl. Di niya ipapaalam na ikakasal na siya kung di pa dumating yung girlash na yun." ani Kenth.
"You okay, Juwie?" tanong naman ni Rob.
"Oo naman. Tara na? Grocery na tayo para sa rest house." sabi ko at nauna na maglakad sa kanila.
After maggrocery ay nagdrive na ako papunta sa rest house sa Anvaya. It's a three-storey beach house near Ayala de Zobel's own rest house. Magkaibigan kasi sila ni lolo so when they started this resort, Mr. Ayala de Zobel gave lolo a property here.