30

2.2K 80 4
                                    

E

"Ano, lo? Mananalo tayo diba?" sabi ko habang naglalaro kami ng chess ni Clarence.

"Hmm..." aniya.

I moved the king and smirked at Clarence. Check. Mate.

"Daya naman nito." aniya. "Tinuturuan ka ni lolo eh."

"Hahaha. Syempre master kaya si lolo." sabi ko. "Oh lo, panalo tayo."

I looked at him and he just gave me a nod. Simula nang maospital si lolo ay hindi na siya nakakapagsalita. He would either nod or shake his head, make inaudible sounds or cry whenever he wants to talk to us. Naaawa ako sa kanya and I wanted to ease the pain pero hindi ko alam kung paano. I've loved Lolo Jordan since I met him a few years back. Siya na ang naging guardian ni Julie ever since her parents died and when she introduced me to them, he treated me as his own grandson rather than a stranger.

"Hmm..." I heard him groaned. Lumingon kami ni Clarence sa kanya and he was trying to move his hands.

"Do you need anything, lolo?" tanong ko.

"Hmm..."

"Baka puno na yung diaper niya." ani Clarence at chineck ang diaper ni lolo. "Hindi naman... Lo, may masakit po ba?"

"Hmm..." aniya and tried to shook his head.

"Gutom ka ba, lo? Pero di pa oras ng kain mo eh. Wala pa yung pagkain mo." sabi ko. Umiling uli siya saka pumikit.

"Hmm..." sabi niya uli.

"Uhm... Teka..." sabi ko sabay kamot sa ulo. "Ah. Si Julie ba hinahanap mo, lolo?"

"Hmm..." tango niya. Ngumiti ako saka hinagod ang ulo niya and sat on the chair beside him.

"Nasa work pa siya eh. Pero maya-maya siguro dadating na sila." sabi ko. Tumango uli siya saka na binaling ang ulo sa kabilang side. Lumingon ako kay Clarence and he just shrugged and sat on the other side of lolo.

"Lolo, gusto mo bang kumain na? Pwede naman natin irequest sa nurse." umiling si lolo and he just closed his eyes.

"Pahinga ka lang, lo. Para kapag malakas ka na uuwi na tayo. Dun tayo sa bahay mo maglalaro ng chess. Diba?" marahan siyang tumango at pinilit pang ngumiti.

Nakatulog na si lolo makalipas ang ilang minuto. Ni hindi niya na nga namalayang pinakain siya sa tube na nakalagay sa tiyan niya dahil sa sarap ng tulog niya eh. Pagkatapos siyang mapakain ni Clarence ay hinayaan na muna namin siyang makatulog ng maayos.

Naupo kami ni Clarence sa couch at tahimik na nagpalipas ng oras.

"Kaninang umaga nung wala ka pa, kinausap na kami ng doctor niya." ani Clarence.

"Ano daw sabi?" tanong ko.

"Sabi, since hindi na makakapaglakad si lolo, may chance na magkaron na siya ng bed sores." aniya. "Masakit yun. Mahapdi."

"Hindi ba magagamot yun?" tanong ko. "Or maagapan man lang." umiling siya at suminghap.

"Yung bed sores daw kasi, akala mo tuyo na yung sugat niya pero sa loob pala sariwa pa din. May iba daw na nabubulok na yung laman dahil sa lala ng ganun nila. Hindi na kasi nagccirculate maigi yung dugo ni lolo dahil nga bed ridden na siya kaya hindi na din maiiwasan yung magkakaron siya nun."

Napasinghap ako saka napalingon kay lolo. Sobrang bilis ng panahon. Parang ilang buwan pa lang ang lumipas nung nagbirthday siya. Hindi ko man siya nakita ng personal nun pero alam kong malakas pa siya nun. Tapos heto na ngayon. He has dementia and is bed ridden. Nakakalungkot isipin na sa isang iglap ganito agad ang sitwasyon niya.

Someone Like ElmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon