23

2.2K 84 3
                                    

J

I don't know how I managed to drive and be at the hospital half an hour after Tita Eve called. But I was 100% sure that I broke 2 or more traffic regulations.

"Miss, yung sinugod dito kanina? Magalona ang surname." I told the nurse at the information table.

"Sa ER po ma'am." she replied. Tumakbo na ako dun and found Tita Eve and Manang Ana standing by the bed. Lumapit ako and saw Elmo lying down. Pagkakita niya sa akin ay agad na nagliwanag ang mukha niya as he tries to smile.

"Wag mo kong ngingitian ng ganyan. I broke a lot of traffic regulations makarating lang dito as soon as possible." sabi ko. Napangiti lalo siya and I heard Tita Eve and Manang Ana stifle a laugh.

"Wala man lang, how are you Elmo? May masakit ba?" pilyong tanong niya. Inirapan ko siya and he raised his hand. "Lapitan mo man lang ako?" suminghap na ako saka nagpunta sa kabilang gilid niya. He held my hand and raised it to his cheek.

"What happened?" I asked Tita Eve.

"He fainted outside. I heard shouting kanina pero when I got there, nakaupo na siya sa kalsada and was breathing heavily. The next thing we knew, ayun. Hinimatay na." tita explained.

"What did the doctors say tita?"

"It was nothing." I heard Elmo said.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko." pagtataray ko sabay tingin uli kay Tita Eve.

"Well normal naman yun. Nagpanic lang talaga ako kanina kasi first time ko siyang nakitang ganun. Hyperventilation lang ang cause kung bakit siya nagfaint. Hay nako. Nakalimutan ko nga ang pagiging doctor ko dahil sa pag-aalala sa kanya."

"But I'm okay na." ani Elmo na parang bata. "Promise."

"Siguraduhin mo lang." sabi ko.

"Maiwan na namin kayo ha? The doctors said he can go after 2 hours. Observe lang muna kung sasakit ang ulo niya or anything." sabi ni Tita Eve.

"Okay po. Ako na bahala tita. Uwi na po kayo baka pagod na kayo." sabi ko. She smiled tsaka na siya lumapit sa akin at yumakap.

"I know he'll be safe with you." aniya. Bumeso na siya sa akin and after nun ay umalis na sila ni manang. Naramdaman ko namang hinihila ni Elmo ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Was worried about you..." aniya. Kinuha ko ang upuan sa bakanteng kama saka umupo sa tabi niya.

"Ikaw pa talaga ang nag-alala?" tanong ko.

"Siyempre. Eh kung nagpanic ka and got into an accident? Ano na lang mangyayari saken nun?"

"Sus. Bolero kahit kailan. Ano ba kasing nangyari? Ano yung sinasabi ni tita na nagsisigawan daw?" I asked. Umiwas siya ng tingin sa akin at pumikit pa. "Elmo..."

"Wag mo na alamin. Ayoko masaktan ka." aniya.

"May mas sasakit pa ba sa pag-iwan mo saken?" tanong ko. He frowned at napangiti ako. "Joke lang. Come on. Sabihin mo na kasi. Para naman tayong mga bata dito eh." sabi ko.

He took a deep breath saka muling kinuha ang kamay ko. I let him kissed the back of it saka niya ko tinignan maigi.

"Alam mo, okay na saken yung maliitin nila ko. Matahin nila ko. Pero yung idamay pamilya ko? Idamay ka? Makikipagpatayan ako, Julie." aniya. I felt a huge lump in my throat as he said those words. Ramdam ko sa mga sinabi niya yung sakit at galit niya. "Okay lang saken na sabihan nila ko na walang ambisyon, walang direction ang buhay, walang kwenta ang trabaho. Pero yung sasabihin nilang walang kwenta ang daddy ko dahil hamak na photographer lang siya at yung sabihin nilang hindi kaya ng pamilya namin tumbasan yung yaman ng pamilya nila? Masakit yun. I love my family. I don't fucking care if we're rich or not. If my dad was only a photographer. Kasi pamilya ko sila eh. We'll stick together no matter what happens diba? At ayokong marinig mula sa kanila na hindi ka dapat para saken. Na nilandi mo ko to break up with Liz. Dahil hindi mo naman ginawa yun. You pushed me away. Ako naman ang nagpilit lumapit sayo. Ako naman ang bumalik. Hindi ka naman nila kilala para sabihan ka ng mga ganun eh."

Someone Like ElmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon