A/N:
#SLEDerpHerp
*****
J
"Woohoo!!!" sigaw nina Kenth, Kate, Doms at Rob nang magsimula nang umandar ang bangka papunta sa unang isla. Kami naman ni Maqui ay tawa lang nang tawa. Nakatayo sina Doms at Rob sa may dulo ng bangka. Sina Kenth at Kate naman walang humpay sa pagvideo at pagselfie.
"Mga bes, say hi!" ani Kenth nang itapat niya sa amin ang gopro cam niya. Kumaway kami ni Maqui at nagtawanan pa uli.
"Kuya anong island muna tayo?" tanong ni Kate sa bangkero.
"Camara po ma'am. Yun ang pinakamalapit na isla mula dito sa Pundaquit." aniya.
"Dun ba yung lighthouse?" tanong ni Kenth.
"Tanga sa Capones yun. Bobo naman vaks!" ani Maqui.
"Wow, besh anak ni Lord?!" sabi naman ni Kenth sa kanya. "Ang importante marating natin yung lighthouse!"
"Pagkatapos po natin sa Camara, sunod po natin yung Capones. Dun po namin kayo idadaong mismo sa may lighthouse. Aakyatin niyo na lang po ng konti." sabi nung mas batang bangkero.
"Sa Nagsasa po kayo magcacamping no?" tanong nung mas matanda.
"Opo." sagot namin.
"Kung gusto niyo po, dalawng isla tayo ngayon tapos ihahatid na namin kayo sa Nagsasa tapos bukas po pag sinundo namin kayo tsaka po tayo pupunta sa Anawangin."
"Pwede rin kuya." sabi ni Doms.
15 minutes ang biyahe mula sa laot sa Pundaquit papunta sa Camara island. Papalapit pa lang kami dun ay namangha na agad ako sa ganda ng isla. Napakatingkad ng pagkaasul ng tubig at napakaputi ng buhangin. May mga rock formations din na nagpaganda lalo sa isla. Nagtalunan agad sina Doms, Rob at Kate sa tubig kahit na medyo malalim pa ang pwedto ng bangka. Kami naman nila Maqui ay naghintay na huminto talaga ang bangka bago kami nagsibaba.
"Okay kuya pakipicturan kami. Di pwedeng walang group picture ditey!" ani Kenth sabay abot ng camera sa bangkero. Pumwesto na kami sa may shore at nagpakuha na ng maraming picture kay kuya.
"Uy tara langoy!" anyaya ni Doms saka pa siya tumakbo pabalik sa tubig. Sumunod naman na kami sa kanila at nagsilangiy kami papunta sa kabilang side ng isla. May grupo pa nga kaming nadaanan na nakakumpol sa parang kweba dito sa isla. Binati namin sila at bumati rin naman sila pabalik sa amin.
"First island pa lang pero napakaganda na. What more sa iba diba?" ani Maqui.
"Oo nga. Yung Nagsasa daw maganda kasi pwede natin akyatin yung Mt. Pundaquit dun tas may cliff diving pa." sabi ni Doms.
"Cliff diving?! Shit dude gusto ko yun!" ani Kate.
"Lahat tayo tatalon." sabi ni Rob. Sumang-ayon ang lahat saka pa kami nagkwentuhan. Lumipas ang kalahating oras ay tinawag na kami ng batang bangkero. Oras na para pumunta sa kabilang isla.
Sumakay na uli kami sa bangka at muli naming tinahak ang dagat. Masarap sa balat ang hangin. Ramdam din ang hampas ng bangka sa alon na lalong nagpabilis sa tibok ng mga puso namin.
Dumating kami sa Capones island maya-maya lamang. Magkalapit lang kasi halos ang dalawang isla kaya mabilis lang ang biyahe. Marami ang nakadaong na bangka dun at madami ring mga naliligo. Agad naming niyaya ang batang bangkero na dalhin kami sa lighthouse. Pumayag naman siya kaya imbes na maligo kami ay umakyat kami ng bundok para puntahan ang lighthouse na pinagmamalaki ng islang ito.
"Friend, picturan niyo ko na nakaaura dun sa lighthouse ha?" ani Kenth habang umaakyat kami. "Mga tipong emote to the highest level mga mamang!"
"Ano vaks, music video gusto mo pa?" tanong ni Maqui.
