★ 64 ★

215 8 1
                                    

SHASHINE'S POV

"Hi bhest! Good Morning!"

Biglang salubong sa akin ni Aiya pagdating ko dito sa school.

"Yeah.. Morning.."

"Ay? Walang good? Hehe! Anyway, alam mo ba na ilang weeks na lang?"

Huminto naman kami sandali sa paglalakad. "Ang alin?" Walang malay kong tanong sa kaniya.

"Humayghad! Kailan ka ba pinanganak at di mo na maalala?" Sarcastic niyang tanong din pabalik kaya napaisip naman ako.

"Ano bang tinutukoy mo?"

"Haist!!!" Sabi niya sabay face palm. "Bhest, seryosong tanong. Pwede ba kitang batukan para maalala mo?"

"Ano?" Kunot-noo kong sabi.

"ANG BIRTHDAY MO!!" Sigaw niya sa tenga ko. Napapikit naman ako at napatakip ko ang dalawang tenga ko dahil sa pagsigaw niya sa akin. Pagdilat ko ay lahat ng mga mata ng mga nakakasalubong namin ay nakatingin sa amin.

Agad ko namang pinalo ng mahina si Aiya sa balikat niya. "Kailangan pang isigaw, ha?!"

"Para magising ka!" Nagtuloy na ulit kami sa paglalakad sa hallway. "Ano, bhest? Magarang Debut ba ang magaganap sa birthday mo?"

Oo nga pala.. Two weeks na lang birthday ko na and I'm turning 18 this month. Hindi ko namalayang malapit na pala, masyado kasi akong tutok sa pag-aaral at sa kung anong bagay.

"Hindi ko pa pinagplanuhan yan."

"Magplano ka na! I will help you!"

Umiling ako tsaka ako tumingin sa kaniya. "Siguro simpleng salo-salo na lang. Ayoko ng magrandeng okasyon."

"Bakit naman?"

"Ayoko ng pag-usapan pa iyan. Sige na, bhest, liliko na ko dito." Sabi ko.

"Aww.. Sige, bhest.. See you around!"

Tumango na lamang ako at naghiwalay na kami ng daan ni Aiya. Nasa Accounting Department kasi ako, and yes, I'm 2nd year college, taking BSAccountancy

"Shashine Hanston!"

Huminto ako sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan ko, kaya naman agad ko itong nilingon. Napakunot-noo agad nang makita ko ang tatlong lalaking pasaway at panira ng araw ko. Mabuti na lang hindi ko naging kaklase mga ito ngayong college. Bully ang tatlong ito mula Highschool, pero mas ako ang pinagtripan nila dahil anak ako ng  'ALIEN'.

"Wag mong sirain ang araw ko." Sabi ko kay Warrenz tsaka ko siya tinapunan ng masamang tingin.

"Woah! Chillax! Wala rin naman ako sa mood na pagtripan ka ngayon. Pasalamat ka hindi kita tinatawag na ALIEN GIRL." Nagtawanan naman sila at inirapan ko lang sila.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon