★ 82 ★

193 5 1
                                    

ALECSA'S POV

"Tinawagan mo na ba yung applicant?" Tanong ko doon sa empleyadong nakahalili sa HR.

"Yes, Ma'am. Pupunta na po siya in just a minute."

"Okay.." I smiled then I walked back to my office..

Naalala ko yung kwento ni Mommy noong nag-apply din bilang Secretary si Aunt Jini. While she interviewing Aunt Jini, mom used her power of positiveness. Positibo siyang magtatagal sa trabaho si Aunt Jini kaya agad niyang tinanggap.

Well, maybe I need to use my power of positiveness, too, para malaman ko rin kung magtatagal ba itong si Nadasha Cabrera bilang sekretarya ni Calexy.

Muntik ko ng makalikutang kasama pala ako sa meeting mamayang 9am, so may 15mins pa bago magstart ang meeting.





NADASHA'S POV

Tsk! Ang tagal namang matapos nung meeting kanina pa kaya akong dumating. Lumapit naman ako doon sa babaeng nasa HR.

"Miss, what time kasi matatapos yung meeting?"

Saglit na muna siyang tumingin sa kaniyang wristwatch, saka na tumingin ang babaeng 'to sa akin. "Isang oras pa, pero depende pa rin sa CEO kung gusto niyang tapusin ang meeting ng maaga."

Ganun? Tss.. Sana matapos na agad.

"Saan ang washroom niyo rito?"

Sinabi naman niya ang direksyon na agad ko namang na-gets. Pagdating ko sa washroom ay agad akong nagretouch ng konti. Habang inaayos ko ang aking sarili ay bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Miguel bago ako umalis.

*Flashback*

Nasa tapat ako ng console table habang sinusuklay ko ang aking buhok, nang mapadaan si Miguel sa aking likuran dahil nakita ko siya sa salamin.

"Sa'n punta mo?" Malamig na tanong niya sa 'kin.

"Tinawagan ako sa in-applyan ko para sa interview." Napangiti ako sabay lingon ko sa kaniya. "Alam mo kung saan ako nag-apply bilang sekretarya?" Hindi siya umimik pero alam kong hinihintay niya na lang ang aking sagot. "Sa Hanston Corporation!"

Pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na siya at humarap ulit ako sa salamin para ipagpatuloy ang aking pag-aayos sa sarili.

Napansin ko naman ang biglang pagngisi niya kahit hindi nakatingin sa akin, pero siya ay nakikita ko sa salamin habang nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pants niya.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon