★ 63 ★

228 11 0
                                    

JERIC TAN'S POV

Napabuga naman ako ng hininga dahil sa inis dahil sa traffic na napakabagal ng usad. Haist!

"Tsk!! Ano ba?!" Inis kong sabi.

Tinatawag na kasi ako sa office at may biglaan akong appointment. Kaya nag text agad ako sa opisina na mahuhuli lang ako ng konti dahil traffic ang nadaanan ko. Nakakainis talaga!!

Napangiwi na lamang ako. Ang daming kong dapat asikasuhin sa opisina, sa paghahanap kay Miguel at sa nawawalang panganay ni Tita Leila para matulungan ko siya sa paghahanap. Umaasa kami na sana buhay pa ang anak niya hanggang ngayon.

Inabot ko ang bag ko nasa passenger's seat at may hinalungkat ako sa loob. Muli kong pinagmasdan ang lumang litrato ng isang batang babae na nasa anim na taong gulang na, inabot daw ng isang madre kay Tita Leila ang litratong ito nang bumisita siya doon sa ampunan. Kaso hindi na niya naabutan ang bata dahil inampon na daw ng mayamang mag-asawa. Sabi pa ni Tita Leila na magkapatid sila ni Lorelei sa kaniya.

Tinignan ko ang likod ng litrato. Nakasulat doon ang address ng orphanage sa isang probinsiya. Kapag may oras ako pupuntahan ko ang lugar na'to.

Natauhan lang ako nang pinipitpitan na pala ako ng ilang kotse sa likod. Umuusad na pala ang mga sasakyan, kaya naman agad kong binalik sa bag ang litrato at umayos ako ng upo para makapagdrive na ako.

Maluwang na ngayon ang kalsada. Malapit na ako sa crossing road nang bigla akong nagulat kaya napapreno agad ako dahil may muntikan na akong may masagasaan.

Agad akong bumaba ng sasakyan para tignan niya dahil napaupo siya sa kalsada, siguro nabigla rin siya.

"Miss, ayos ka lang?" Tanong ko nang mahawakan ko na ang braso niya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil mahaba ang buhok niya at nakayuko pa siya.

"P-Pasensiya na.." Sabi niya at saka na niya inangat ang tingin niya sa akin.

Nakakapagtaka. Bakit ganun? Natameme naman kaming dalawa nang magkatinginan kami. Tsaka, pakiramdam ko ay tila nameet ko na siya noon.

"Hindi ko na matandaan, pero feeling ko nakita na kita noon, Miss.."

Meron din siyang bangs sa noo na katulad ng kay Lorelei.

"Ahm.. Feeling ko rin.."

"Talaga?"



CHANSEY'S POV

Napalunok ako.. Hindi ko alam kong maramdaman, naguguluhan ako kaya napahawak ako sa dibdib ko.

"Ayos ka lang ba talaga? Gusto mong dalhin kita sa ospital?" Pag-aalalang tanong niya.

Feeling ko ay matagal ko ng kilala ang lalaking ito.

Umiwas na ko ng tingin sa kaniya. "H-Hindi na.. Aalis na ko, sorry ulit.."

Kaso wrong timing at biglang bumuhos ang ulan.

"Miss, ihahatid na lang kita." Nabigla ako nang hawakan niya ang braso ko. Medyo basa na kami ng konti. "Don't worry, hindi ako masamang tao. Halika na!"

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon