★ 100 ★ 1/2

186 7 0
                                    

WARRENZ'S POV

Nabalitaan kong absent ngayon si Shashine dahil matapos ng mga pangyayaring kinaharap ng kanilang pamilya. At balitang-balita ngayon na namatay na raw ang kalaban na umatake noon kay Shashine. Namatay raw dahil sa pagkahulog mula sa itaas ng building.

Nandito naman ako sa likod ng mga bookshelves dito sa library. Heto na ngayon ang nagsisilbing taguan ko kapag panay ang hanap sa akin ni Ricca, o kaya doon ako sa likod ng building. Sina Nate at Stanley lang ang nakakaalam kung saan ako nagtatago.

"Aha! Nandito ka lang pala, ah?"

Napatalon naman ako sa gulat nang sumulpot si Aiya... Haist! Siya lang pala!

"Wag ka ngang nanggugulat!" Inis ko.

"Kanina pa kita hinahanap, mabuti na lang sinabi sa akin nila Stanley. May kailangan kang malaman tungkol kay Ricca!"

"Ano? Bakit kay Ricca? Akala ko pa naman kay Alien Girl na."

Napansin ko naman siyang umupo sa tabi ko. "Mamaya na yung tungkol kay Bhest. Heto, may ipapanuod akong video sayo."

Inabot niya sa akin ang phone niya at siya na nagpindot sa 'Play' button.

"Teka. Si Ricca?"

"Yup! Just watch kung paano ka lokohin ni Ricca." Sabay ngisi niya.

*Video Played*

Napakunot-noo ako nang biglang bitawan ni Ricca ang dalawang saklay niya at naglakad na walang pilay. Naglakad siya papalapit sa kaniyang mga kaibigan.

"You are really such a good actress, Ricca."

"Yeah, I know.."

"Kung ako siguro sa situation mo, hindi ako maglalakas loob na magpahulog sa hagdan."

"Ganun talaga. I'll do everything para mapalapit sa akin ulit si Warrenz.."

She said and she smiled like a bitch!

* Video Ends *

Binigay ko na kay Aiya ang phone niya. Napayuko ako at napikit, kasabay ng pagyukom ng aking kamao. Feeling ko, unti-unti na kong nawawalan ng pasensiya kay Ricca. She did that para lang mapalapit siya sa akin? Damnit!

"Sinundan ko ng patago si Ricca kahapon. At nagulat din ako sa ginawa niya kaya agad ko siyang kinuhanan ng video. Ang galing ko lang talaga! Pwede na ba akong spy? Hehe! Actually, sayo ko palang pinakita 'yan sayo. I think this would the time para harapin mo na si Ricca, at ipapamukha ko naman sa kaniya ang video na---"

"No.." Pagtigil ko sa kaniya. "Just keep that video, wag mong ipapakita sa kaniya. Ako ng bahala kumausap kay Ricca." I said at agad na akong tumayo.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon