★ 71 ★

201 5 1
                                    

WARRENZ'S POV

Weekend..

Nandito ako sa tapat ng bahay nila Shashine, nakasulyap ako sa second floor kung na saan ang kwarto niya. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil makakasama ko siya ngayong gabi.

I took a deep breath. Kailangan ko ng lakas ng loob na pormal ko siyang ipagpaalam sa kaniyang mommy.

Bumaba na ako sa kotse kong Chevrolet Sport Car. Lumapit ako sa gate nila at nagdoorbell nang dalawang beses. Napapaisip nga ako kung paano kung buhay pa ang Daddy niya? Magagalit kayo iyon sa akin?

* Imagination *

"Hindi pwede, masyado kang gwapo para sa anak ko. Get out of our house now!"

"P-Pero sir---"

* End of Imagination *

Grr~ Pogi Problem yun ah?! Pero ayaw niya ba talaga ng gwapong katulad ko para sa anak niya? Haist! Nababaliw ka na, Warre---

"Warrenz, anong ginagawa mo?"

"H-Huh?"

Si Shashine na pala 'to.

"Bakit mo sinasapak ang sarili mo?" Tanong niya.

Nabigla naman ako sa itinanong niya. Sinasapak ko ba sarili ko? So I pretend na tumawa na lang. "Hahahaha!! Naiinis lang kasi ako sa sarili ko."

"Bakit?"

"Kinakabahan lang ako baka hindi ako payagan ng mommy mo na isama kita dahil sa kagwapuhan ko."

Sumimangot naman siya. "Kalokohan mo, ah! Tsk! Pumasok ka na nga, sira ulo talaga.."

Napakamot naman ako sa ulo ko. Pagpasok namin ay lumabas naman mula sa kitchen ang mommy niya.

"Good Evening po, Mrs.Hanston."

Ngumiti naman siya sa akin. "Good evening, aalis na ba kayo?"

Huh? Alam na niya?

"Sinabi ko na kasi kay Mommy at pumayag naman siya. Sige, mag-aayos lang muna ako, mabilis lang ako." Sabi ni Shashine, tsaka siya pumanhik agad sa hagdan.

Nahiya naman ako tuloy. Pero at least hindi na ko mahihirapan na ipagpaalam siya.

"Maupo ka muna, iho. Teka, ikukuha lang kita ng maiinom---"

"Ah! Hindi na po! Hehe! Ayos lang po, don't mind me.."

Umupo naman siya sa isang single couch na katapat sa akin. "Akala ko frenemy kayo?" Natatawang tanong niya.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon