★ 98 ★ 1/2

166 6 0
                                    

MIGUEL DOMINIC'S POV

Sige lang. Hanapin niyo lang kung na saan ako. Hindi lang si Chansey ang biktima ko rito, dahil meron pang isa para kay Alecsa.

"Tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo, Alecsa.. Sisiguraduhin kong magdudusa kayong dalawa ni Calexy.." Sabi ko nang bigla na lamang akong natawa habang pinagmamasdan ko ang natutulog kong Prinsesa..

"Akin ka lang, Chansey..."






JERIC TAN'S POV

Napatayo naman ako sa gulat dahil kausap ko ngayon sa phone si Alecsa.

"Ano?! Kanino mo nalaman na nawawala si Chansey?"

(Kay Calexy! Basta mahabang kwento, kailangan na muna nating hanapin si Miguel dahil hawak niya ang pinsan mo.)

Sh*t!! Si Miguel na naman! Bwisit talaga yun kahit kailan!

"Argh! Sumusobra na ang lalaking yun. Sige, magtulungan tayo sa paghahanap."

Mabilis ko ng pinatay ang phone ko at madali akong lumabas ng opisina. Nagpatulong na rin ako sa ilang pulis na hanapin ulit si Miguel.

Habang nagdadrive ako ay hindi ko maiwasang mag-aalala kay Chansey, at kung hinahanap ni Calexy si Insan.. Ibig sabihin matino na siya ngayon? Haaay! Mamaya ko na lang intindihin si Calexy, dapat si insan..

Napansin ko ang traffic lights, nagcolor red bigla. Malapit na ko sa crossing road. Inapakan ko ang preno, kaso natigilan nang ayaw huminto ng sasakyan ko.

Nakaramdam na ko ng kaba nang paulit-ulit kong inaapakan ang break!

"Sh*t! Bakit ayaw?! Anong nangyayari?!" Natataranta na ako rito. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

Nakita kong nagriring ang phone ko sa kabilang upuan. Pilit kong inabot iyon pero bigla ring nahulog sa ibaba ng upuan.

Bigla kong binalik ang tingin ko sa harapan at napatalon ako sa gulat na may lalaking nakaharang sa dinaraanan ng kotse ko. Natanaw ko kung paano nag-apoy ang mga kamay niya. Si Miguel!! Akmang titirahin niya ko ng kaniyang apoy nang mabilis kong niliko ang manubela, pero mas nagulat ako ng mabilis akong sumalpok sa isang poste.

Sa oras na yun ay agad sumagi sa isip ko ang magandang mukha ng babaeng mahal ko..

"A-Alecsa..."

At tuluyan nang dumilim ang paningin ko.






CHANSEY'S POV

Hirap akong dumilat.. Paggising ko ay kulay brown na kisame ang nakita ko. Babangon na sana ako nang may naramdaman akong tali sa magkabilang kamay ko, na parehas nakatali sa headboard ng kama.

"Jusko, na saan ako?!" Mahinang sabi ko.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba nang maalala ko ang nanyari. Magkasama kami kanina ni Nikki nang biglang may kumuha sa akin na lalaki na hindi ko agad namukhaan dahil mabilis niyang tinakpan ng panyo ang bibig ko.

Pagkatapos makikita ko ang sarili kong nakatali sa kamang to.

Napalingon agad ako sa bumukas na pinto. At napasinghap ako sa gulat na si Miguel ang pumasok sa kwartong 'to. Mas lalo akong kinabahan.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon