★ 83 ★ 2/2

169 7 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Inutusan ni Alecsa si Zac na sundan si Nadasha sa pag-uwi nito sa kadahilanang may gusto siyang malaman tungkol sa babaeng 'to na tila may malakas siyang pakiramdam na may tinatago itong lihim.

Nag-invisible si Zac ng mabilis nang muntik na siyang mapansin ni Nadasha, at para bang nararamdaman nitong may sumusunod sa kaniya hanggang sa makapasok na ito sa apartment.

Hindi na niya sinundan hanggang loob si Nadasha dahil hanggang dito na lang sa labas ang limitasyon niya.

Nagtago siya sa madilim na sulok ng iskinita para tawagan si Alecsa sa telepono.

"Subukan mong tumawag, papuputukan ko 'yang ulo mo."

Natigilan sa pagpindot si Zac nang marinig niya ang malamig na boses ng lalaki at ramdam niya na may nakatutok na baril sa likod ng kaniyang ulo. Hindi siya gumawa ng anumang galaw at marahan niyang kinalma ang sarili na wag kabahan.




ALECSA'S POV

Panay ang tawag ko sa phone ni Zac pero cannot be reached! Ano na bang nangyari kay Zac?

"Hindi mo pa rin makontak?" Tanong ni Jeric. Silang lahat ay nandito sa pamamahay namin, sina Calexy, Shashine na yakap-yakap si CJ8 at si Chansey.

Nakwento na rin nila ang pangyayaring paghabol daw ni Miguel kay Chansey kanina. At nagkwento rin naman ako tungkol kay Nadasha na kanina nahuli ko siyang may katawag sa phone sa loob ng CR at nagulat ako nang may mabanggit siyang Miguel ang pangalan. Kaya lumakas tuloy ang paghihinala ko sa babaeng yon kung may tinatago ba siyang kriminal na nangangalang Miguel.. Kaya inutusan ko si Zac na sundan si Nadasha para alamin kung saan nakatira ito.

"Ayaw pa rin. Nakapatay ang phone niya."

"Hanapin niyo na si Zac at baka ano ng nangyari ro'n." Biglang utos ni Daddy kina Calexy.

"Yes, Uncle. Shine, I'll drive you home first."

"Huh? Sama rin ako!" Nakapout na sabi ni Shashine.

"No." Mariin na aniya sa kapatid.

"Hanapin niyo na si Zac, ako ng bahala maghatid sa kanila. Tapos sunod na lang ako sa paghahanap" Sabi ko.

Sumang-ayon naman sila. Pagkatapos ay kumilos na sila.




MIGUEL DOMINIC'S POV

Nakapiring ang mga mata ng isang Alien na 'to at nakatali ang mga kamay nito sa likod ng upuan. Alam kong Alien ang isang 'to dahil minsan ko na siyang nakita noon na nakikipagtulungan sa  pamilyang Hanston.

Dinala ko ang Alien na 'to sa abandonang bahay malapit sa apartment namin ni Nadasha. Tinawagan ko si Nadasha na mag-impake na ng gamit dahil kailangan na naming maglipat ng matataguan. Dahil alam na ng Alien na 'to kung saan kami ngayon nakatira ngayon at nagbalak pang sabihin sa mga Hanston kung na saan kami.

Hawak ko ngayon ang phone ng lalaking 'to, at panay ang tawag ni Alecsa sa phone niya. Bigla tuloy akong may naisip na plano.

"Pakawalan mo ko dito. Wala kang papala kung maghihiganti ka." Sabi niya.

Agad ko naman siyang sinipa sa tiyan niya para patahimikin siya.

"Wala kang pakealam sa mga gusto kong gawin. Kung gusto mong pang mabuhay, pwes, manahimik ka!"

Sinagot ko na ang tawag ni Alecsa.

(Zac?! Hello, Zac! Na saan ka?)

Napangisi naman ako sa sunud-sunod niyang tanong.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon