★ 88 ★

165 6 0
                                    

SHASHINE'S POV

Nandito na ko sa bahay. Wala ako sa mood na magkwento kaya si Zac na nagsalita kina Kuya at Mommy. Si Zac na rin ang naggamot sa sugat ko kanina habang nasa loob kami ng kotse, si Aiya naman ay nagpasundo na lang sa driver niya.

"Hindi ko alam kung paano napadpad doon si Miguel. Pero mukhang si Shashine ang target niya." Sabi ni Zac.

Pansin ko si Mommy na bakas ang pag-aalala niya. "Jusko, anak! Mabuti na lang dumating si Zac!"

"Kaya pala parang hindi ako mapakali kanina." Sabi naman ni Kuya sa akin, tapos tumingin ulit siya kay Zac. "Its already late, dito ka na matulog."

"Huh?" Pagtataka ni Zac.

"Oo nga, iho.. Dito ka na muna matulog bilang pasasalamat na rin sa pagtulong mo kay Shashine. Aayusin ko na ang guest room." Sabi naman ni Mommy na agad siyang tumayo at pumanhik papuntang guest room.

"Teka.. Paano ka narating kanina? At paano mo nalaman kung na saan ako, Zac?" Tanong ko.

Parang naiilang pa siyang tumingin sa akin. "Ahm.."

"He tried to call you but you didn't answering his call kaya ako ang tinawagan niya." Sabat ni Kuya.

Pero bakit?

"Ahm.. Oo. Gusto lang kitang kamustahin kaso hindi mo sinasagot ang tawag ko, kaya ang kuya mo na lang tinawagan ko. Sinabi niya na nasa isang party ka raw."

Naku! Mukhang hindi ko nga narinig na nagring ang phone ko dahil malakas ang music sa venue.

"Hala! Sorry! Hindi ko nga narinig na tumatawag ka, malakas kasi ang sounds sa party.." Party nga ba? O engagement ek-ek? Geez! "Pagkatapos?"

Si Kuya na naman. "I told him where you are."

"Pero hindi alam ng Kuya mo na pinuntahan kita." Pagpapatuloy ni Zac.

My thought was wrong. Akala ko utos ni Kuya na pabantayan ako kay Zac.. Naku! Kung sakali mang ganun, mag-aaway kami. Kasi hindi na ko bata para ipabantay niya pa ako kay Zac.

"Ganun? Thank you, ah?"

"Wala yun.." Sabi niya, saka siya ngumiti sa akin.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon