★ 92 ★

148 3 0
                                    

NADASHA'S POV

"Nakakainis! Nakakainis!!!"

Kanina pa kong nagwawala dito sa apartment ko dahil sa sobrang inis ko kay Chansey! Hindi ko akalain na nililigawan siya ni Calexy.

Noong nasa ampunan kami ay ayaw ko na talaga sa kaniya dahil naiinis ako kapag siya ang pinagtutuunan ng pansin ng mga visitors namin na gustong mag-ampon. Ayoko mang maamin pero, oo, naiinggit ako, bwisit siya!

Humanda siya! Aagawin ko si Calexy sa kaniya!

Biglang nag-ring ang phone ko. Unknown Number ang nakalagay. Tss! Sino naman kaya ito?

"Hello, who you?" Inis kong tanong sa kabilang linya.

(Bad mood?)

Natigilan ako.. Kay Miguel ang boses na 'to. Matagal na kong walang komunikasyon sa kaniya.

"Tss... Nagpalit ka pa ng number? Alam mo? Isa ka rin, eh! Masyado kang magulo! Ano bang gusto mong mangyari, huh? Tatawag ka lang kapag may kailangan ka. Tama ako, di ba?"

(Let's meet, may ibibigay ako sayo, at alam kong magugustuhan mo.)

"Kapag 'yan hindi ko nagustuhan! Sayo ko ibibuhos ang galit ko!"

Nagtungo naman ako sa sinabi niyang meeting place. Medyo nakalatakot dahil masyadong tago ang lugar. Luminga-linga ako para magbaka sakaling makita ko siya.

"Miguel! Na saan ka na?"

Haist! Kinikilabutan naman ako sa lugar na 'to.

"Here!"

Napalingon ako sa kanan at nakita ko siya nakatayo malapit sa maliit na bahay parang squatter area ang dating. Pagkatapos ay pinatuloy niya ako sa tinutuluyan niya.

"So, dito ka na pala nakatira. Ayos tong tagutaguan mo."

"Tss... Bago ko ibigay ang tinutukoy ko. How's the Hanston?"

Nairap naman ako. Naalala ko nung may binanggit siyang Chansey noon at hinabol niya. "Ganun pa rin, pero may nalaman ako." Hindi ko na lang sasabihin sa kaniya na kababata ko si Chansey. "May nililigawan si Calexy ngayon nangangalang Chansey."

Napangiwi naman siya. "What?"

Napalumbaba naman ako sa lamesita na nakapagitna sa aming dalawa. Napapaisip ako kung paano sila nagkakilala ng Chansey na 'yon.

"Bakit apektado ka? Makareact ka naman diyan wagas!"

Napansin ko ang pagkayukom ng kaniyang kamay. "Dahil mahal ko ang babaeng 'yon!"

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon