★ 90 ★

163 4 0
                                    

JERIC TAN'S POV

Habang nagdadrive ako, para naiiyak ako sa tuition fee ni Insan. Ang mahal pala! Pati ang first semester binawi ang bayad, kumbaga para walang singkong duling na binayad si insan ngayong forth year niya.

Kaso... Napa-OO na ko, pero saan ako hahanap ng ganung kalaking pera? Wala na rin ang scholarship niya kaya dapat mag fully paid na lang si insan.

Ayaw niyang pasabi kay Calexy kasi nahihiyang siyang lumapit, kaya sa akin siya naglakas loob na manghiram.

Kaya kong bayaran ang first semester niya, pero kung isasama pa ang second semester.. Di ko na kaya. Sorry, may pinang-iipunan lang ako.

Speaking of Calexy.. Kung maghati kaya kaming dalawa sa pambayad ng tuition ni Insan?

Tama! Ganun na lang!






NADASHA'S POV

Nasa meeting kami ngayon. Oo, kasama ako kasi secretary ako!

Napanganga naman ako bigla nang pinakita sa projector ang animated landscape na gagawing hotel para sa beach resort na binabalak nilang ituloy.

Ngayon lang nalaman ng lahat mula kay Sir Simon Hanston na may binili palang malaking lupa ang daddy ni Calexy noong nabubuhay pa ito para gawing beach resort sa Hawaii. Huminto lang ang pagpaplano nang mabalitang namatay na ang Daddy niya.

Nasulyap ako kay Calexy na bossy ang dating habang nakikinig kay Director Hanston.

"Its a big chance kung ipagpapatuloy ang naudlot na plano ng former CEO."

"Yes, and we're going to continue planning about this project." sabi niya.

Napansin kong sumang-ayon ang ibang kameeting nila dito.

Grabe! Ang yaman talaga..






JERIC TAN'S POV

Hanston Corporation–

Sakto namang pagkarating ko ay katatapos lang ng meeting.

"My loves!" Nabigla ako nang yakapin ako ni Alecsa. Anlakas talaga ng pang-amoy nito sa akim. Haha! Pagkatapos humarap na siya sa akin. "What are you doing here?"

"Puntahan ko lang si Calexy, may sasabihin lang ako."

"Aww.. I thought ako pinunta mo dito?"

Haha! Lakas makapout oh!

"Sus! Ganun din naman. Tara, samahan mo ko kay Calexy."

Sinama ko na baka isipin niya may sinisikreto ako kay Calexy eh!

Pagbukas ng elevator nadatnan namin sa front desk ang sekretary niya na nginitian lang kami. May communications pa kaya sila ni Miguel?

Nabigla naman ako nang hindi na kumatok itong si Alecsa bago pumasok.

"Hi!" Bati agad ni Alecsa.

"Damn! Would you please knock first before entering here?!" Highbloob na si Calexy. My loves kasi eh..

"Hi, My friend! Ikaw kasi My Loves hindi ka na muna kumatok, high blood tuloy si Boss. Pfft!" Natatawang sabi ko.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon