★ 66 ★

192 8 1
                                    

SHASHINE'S POV

"Shine, anak, kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Mommy nang makita nya ako, sabay ding napalingon sa akin sina Kuya Jeric at Nanay ni Ate Lorelei.

"O-Opo.."

"Ibig sabihin narinig mo lahat?" Tanong naman ni Kuya Jeric.

"Bakit? Secret ba yun?" Tanong ko din.

"H-Hindi naman.." Sagot naman niya. "Ahm.."

Lumapit na rin ako sa kanila. "Kilala ko rin po si Ate Chansey." Nilingon ko ang Nanay ni Ate Lorelei. "Pero paano niyo po siya naging anak?"

"Pinaampon ko siya noong sanggol pa lamang siya dahil sa hirap ng buhay ay hindi ko pa siya kayang buhayin. Namatay din ang kaniyang ama dahil sa cardiac attack. Magkapatid sina Lorelei at Chansey sa akin.."

"Pinuntahan na namin yung ampunan para alamin kung sino ang mag-asawang nag-ampon sa kaniya, kaso old address na ang binigay sa amin." Pagpatuloy ni Kuya Jeric.

Umupo ako sa tabi ni Mommy, tapos ay nagsalita rin siya. "Bakit hindi mo nasabi kay Lorelei noon na may anak ka pa pala?"

"H-Hindi ko kasi alam kung paano ko ipagtatapat sa kaniya. Natatakot ako na baka layuan niya ako at hindi ko rin masabi dahil hindi ko rin alam kung saan hahanapin si Chansey."

Bigla akong natahimik dahil sumaga sa isip ko si Ricca Rose, pero di ko rin alam kung saan ang bagong tirahan nila ngayon dahil matagal na silang wala dito sa subdivision.

"Pero dapat hindi mo pa rin pinaampon ang bata kahit mahirap ang buhay. At bilang nanay kahit wala kang katuwang.. Gagawin at gagawin mo pa rin ang lahat para sa kaniya bigla ama't ina sa kaniya dahil isang biyaya ang magkaroon ng anak at wala silang kasalanan sa mga maling nangyari noon sayo." Mahinahong sabi ni Mommy.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon