★ 99 ★ 1/2

165 7 0
                                    

ALECSA'S POV

May tiwala ako na gagaling si Jeric.. Pagod na ko sa pag-iyak at bigla kong naalala na mawawala pala si Chansey.

Pinisil ko ang kamay ni Jeric bago ako umalis. "Pangako, ililigtas namin si Chansey at mapapatay ko si Miguel."

----

Sinamahan ako ni Mr.Lee sa paghahanap kay Chansey dahil wala akong dalang kotse. Kinontak ko si Calexy pero hindi niya sinasagot, kaya si Daddy na lamang ang tinawagan ko.

"Hello, Daddy? Where are you now?"

(Sa dating gusali kung saan naganap ang pangyayaring labanan noon, because I have this feeling na nadito si Calexy..)

"What? Ah.. Wait for us there."

(And who's with you?)

"Si Mr.Lee.."

(Fine. I'll wait for you here, sweetheart..)

"Okay, dad.."

Sinunod ko namang kinontak si Shashine, nalaman ko na magkasama ang dalawa ngayon.

(Hello, Ate Alecsa?)

"Shine, na saan kayo?"

(Ahm.. Saan ba 'to? Parang squatter area, may mga bahay pero walang tao. Medyo creepy pero okay lang.)

"What are the two of you doing there?"

(We decided to find Ate Chansey here. Nakita kasi namin si Natasha or---Nadasha..---Ayun nga sabi ni Zac, Nadasha is the name nung babae ni Kuya na tumungo sa isa sa mga bahay dito.)

So brilliant.. I'm sure, si Zac ang naka-isip ng plano. Tama lang ba sinundan nila si Nadasha.

"Alright. Kapag nakita mo si Nadasha, atakihin niyo na agad para makuha niyo ba si Chansey."

(Yes, we will do that. Humanda talaga ang Natasha, Nadasha or whatsoever her name!)

"Okay. Take good care to both of you.. Tumawag kayo agad, huh?"

(Yes we will, you too!)

Pagbaba ko ng telephone ay narinig kong bumugtong hininga si Mr.Lee kaya napalingon ako sa kaniya.

"Anu ba yan? Isa na ngalang ang kalaban, hindi pa natin mahuli-huli."

"Oo nga ho.. Matindi magtago si Miguel kung saan. At imposibleng sumuko ang lalaking 'yon."

Dumating na kami sa abandonadong gusali. Its been seven years at nandito na naman kami. Natanaw ko ang dalawang kotse, ang kotse nila Daddy at Calexy.

"Alecsa, pumasok ka na sa loob, magbabatay ako rito at magtatawag ng backup." Sabi niya sabay hugot ng baril niya mula sa kaniyang likuran.

"Sige ho, Mr.Lee.. Mag-iingat ho kayo rito." Sabi ko at tumango naman siya.

Habang patungo ako sa loob ng gusali ay nilabas ko na mula sa aking palad ang aking pana at nagliliyab kong palaso. Ganito ako kapag galit, naka-ready na agad. Kasabay ng pagiging pula ng buhok at mata ko.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon